“History is like tsismis” statement ni Ella Cruz, ikinagalit ng mga netizens

Binatikos ng mga netizens ang aktres na si Ella Cruz dahil sa “History is like tsismis” statement nito. Marami sa mga netizens na nakabasa sa sinabi ng aktres ay ibuhos ang galit sa social media.

Ang “Maid in Malacañang” ay isang pelikula tungkol sa pamilya Marcos. Ang pelikula ay pinangunahan ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films at inaprubahan ni Senator Imee Marcos. Si Eliza Romualdez-Valtos, ang archaeologist at historian ng pamilya, ang magiging consultant at researcher ng pelikula para mailarawan ang mga tumpak na pangyayari sa Malacanang sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos noong 1986.

Samantala, may sinabi naman si Ella Cruz na nakakuha ng atensyon ng maraming netizens sa social media. Hindi kasi matanggap ng iilan ang sinabi ng aktres na “History is like tsismis.”

Ayon kay Ella, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Na’run na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

Kahit pa hindi niya binanggit kung anong parte ng kasaysayan ang kanyang tinutukoy ay tila umani pa rin ito ng reaksyon sa bawat taong nakabasa sa kanyang pahayag. Tanong ng ilang netizens, “Ang mga pangyayari ba na naghatid sa atin sa demokrasya na mayroon tayo ngayon ay ‘tsismis’ lang?”

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“Everyone stop giving ella cruz, darryl yap, viva films or this maid in malacanang film the publicity they want. they dont give a fuck about your opinion, kailangan lang nilang mag-ingay for promo. IGNORE THEM.” – @RLtheGraape

“Hello Ella Cruz (@itsEllaCruz ) I am a history major student and just to clarify, we do not go to our campus or museum just to flock and talk about “chismis”. We study really hard everyday thru reading and authenticating data to give the rightful information and preserve history.” – @_ligayaxx

“ella cruz’s history teacher would be so embarrassed rn knowing her former student thinks history is like chismis.” – @minguscart

“16 years in the business and her biggest acting achievement is still Super Twins, and now she goes on to star on a propaganda film. Kaya pala agit na agit siya sa kulay pink nung campaign period. You will never be a household name in showbiz, Ella Cruz.” – @prncprts

“I should not say this because I am a teacher. But yeah, Ella Cruz, you are stupid and ignorant” – @CheskaKimberly

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.