Sylvia Sanchez ipinagmalaki ang tagumpay ni Arjo Atayde sa pulitika sa kabila nang pangungutya

Ipinagmamalaki ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang tagumpay ng kanyang anak at aktor na si Arjo Atayde sa larangan ng pulitika sa gitna ng masasakit na komentong kanyang natanggap mula sa kanyang mga bashers.

Very supportive si Sylvia sa showbiz career ni Arjo. Napatunayan din ng aktor na kaya niyang itatag ang kanyang pangalan sa showbiz sa pamamagitan ng kanyang sipag at talento.

Ngayong taon, pinasok ni Arjo ang mundo ng pulitika at buong suporta ang ipinakita ng kanyang ina at ng buong pamilya. Noong panahon ng kampanya, bumisita pa si Sylvia sa iba’t ibang lugar sa District 1 ng Quezon City para ikampanya ang kanyang anak.

Credit: Sylvia Sanchez/Instagram

Nagbunga ang kanilang pagsusumikap at sakripisyo noong kampanya, nanalo si Arjo at ito ang ipinagmamalaki ni Sylvia. Sa kanyang Instagram posst ay inalala ng batikang aktres ang mga batikos na natanggap ng kanyang anak.

Ayon kay Sylvia, “Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso’t isip mo at pinatunayan mong tama ka.
Iba ka manindigan anak!! Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo. Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno.”

Credit: Sylvia Sanchez/Instagram

Dagdag pa ni Sylvia, hindi niya maiwasang hindi maalala kung paano kinukutya ng ibang tao ang kanyang anak. Sa kabila ng mga negatibong komento, sinabi ng aktres na pinili ni Arjo na huwag patulan ang mga naninira sa kanya dahil ang layunin niya ay pagsilbihan ang bayan.

“Pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant,” dagdag pa ni Sylvia.

Credit: Sylvia Sanchez/Instagram

Tiniyak din ni Sylvia kay Arjo na sila ng kanyang asawang si Art Atayde ay laging nandiyan para sa kanilang anak at handang tumulong sa anumang maaaring kailanganin nito.

Sabi ni Sylvia, “Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal,Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS. Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo. Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno. Kaka proud!!!!”

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.