Cesar Montano mas nahirapang gampanan si Ferdinand Marcos kaysa kay Jose Rizal

Sinabi ng batikang aktor na si Cesar Montano na mas mahirap gampanan ang papel ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. kaysa sa kay Dr. Jose Rizal.

Ilang kahanga-hangang pagganap na rin ang ginawa ni Cesar sa mga pelikula. Isa sa mga kilalang karakter na kanyang binigyang buhay sa big screen ay ang pinakatanyag na bayaning Pilipino.

Sa panayam ng Inquirer entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal ay tinanong nito ang premyadong aktor tungkol sa pinakamahirap na bahagi sa pagganap bilang Marcos Sr.

Ayon kay Cesar, “Ang pinakamahirap na bahagi tungkol sa pagganap kay FM ay ang maikling oras na ibinigay upang paghandaan ito. Mas mahirap kaysa sa dati kong role bilang Jose Rizal. Ito ang pinakamalaking hamon ng aking buhay bilang isang artista.”

Credit: Diego Loyzaga/Facebook

Pinuri rin niya ang kanilang direktor na si Darryl Yap dahil sa magandang pagkakasulat diumano nito sa script ng “Maid in Malacañang.”

Ikinatuwa rin ni Cesar ang pagsasama nila ng kanyang anak na si Diego Loyzaga sa pelikula. Ito ang unang proyekto nilang dalawa.

Para naman kay Diego, doble ang dalang pressure sa kanya ng proyektong ito dahil una ay gagampanan niya ang karakter ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at pangalawa ay kasama pa niya sa pelikula ang kanyang ama. Ngunit hindi naman daw niya uurungan ang hamon na ito sa kanyang career.

Makakasama nina Cesar at Diego sa pelikula sina Robin Padilla, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, Karla Estrada, at iba pa

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.