Pokwang ininsulto si Ella Cruz tungkol “History is like tsismis” statement nito

Kinastigo ng sikat na komedyante na si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay ang aktres na si Ella Cruz dahil sa viral statement nito na “history is like tsismis.”

Sa nakaraang ulat ay gumawa ng ingay si Ella dahil sa kanyang naging pahayag na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media.

Ayon kay Ella, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens dahil sa kanilang ipinaglalaban na may katotohanan sa mga pangyayari sa kasaysayan. Ayon sa isang historian, maaaring may kinikilingan ang ilang bahagi ng kasaysayan ngunit totoo ang karamihan ng mga pangyayari noon.

Credit: Ella Cruz/Facebook

Isa si Agot Isidro sa nag-react sa sinabing ito ni Ella. Ayon sa kanyang tweet: “Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.) Next time, puede tayong sumagot ng, ‘No comment’. Again, mahal kita.”

At ngayon, isa pang celebrity na nakatrabaho ni Ella ang nag-react sa pahayag ng young actress. Ito ay walang iba kundi ang sikat na komedyante na si Pokwang. Siya rin ang naging ina ni Ella sa ABS-CBN serye na Aryana.

Ayon sa tweet ni Pokwang: “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan.”

Credit: Pokwang/Twitter

Samantala, bahagi si Ella ng pelikulang “Maid In Malacanang.” Makakasama niya cast sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Karla Estrada at iba pa.Ito mula sa direksyon ni Darryl Yap.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.