Cristy Fermin walang nakikitang mali sa sinabing “History is like tsismis” ni Ella Cruz

Nakatanggap ng suporta ang aktres na si Ella Cruz mula sa batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin Sa gitna ng isyung “history is like chismis”.

Kung maaalala ay nakatanggap ng bashing si Ella sa kanyang sagot nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa paggawa ng pelikulang “Maid sa Malacañang.”

Sinabi ni Ella na ang kasaysayan ay parang tsismis at maaaring mag-iba ang mga bagay depende sa pananaw ng mga tao. Dahil nga sa naging sagot na ito ni Ella ay kinuyog siya ng mga netizens sa social media. Maging ang mga kilalang celebrities at historians ay nakisawsaw din sa isyu.

Ang mga artistang sina Agot Isidro at Pokwang, gayundin ang talent manager na si Ogie Diaz, na kilala bilang mga tagasuporta ni dating Bise Presidente Leni Robredo, ay kinastigo din si Ella at nagbigay pa sila ng payo hinggil sa bagay na ito.

Credit: Darryl Yap/Facebook

Ayon pa sa artikulo ng Bandera, walang nakikitang mali ang batikang showbiz reporter sa sinabi ni Ella.

Sabi pa ni Cristy sa showbiz program nila ni Romel Chika., “Alam mo, Romel, wala akong nakikitang masama dito. Ginagamit ko nga iyan e pagka New Year’s resolution. ‘Ano ang New Year’s resolution mo?’ ‘Ay naku, it’s like history, it repeats itself.”

Sinabi rin ni Cristy na tama si Ella nang sabihin niyang may mga bagay na tinanggal at idinagdag sa kasaysayan at depende ito sa interpretasyon kung may bias o wala.

Sinabi rin niya na nagmukhang early promotion para sa pelikula ang naging pahayag ni Ella na naging kontrobersyal na kaagad kahit hindi pa ito ipinapalabas.

Kasama rin sa pelikula sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, Beverly Salviejo, at Robin Padilla. Ang “Maid in Malacañang” ay mula sa direksyon ni Darryl Yap.

Related:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.