Hipon Girl ibinida ang ‘Squammy Walk’ sa Bb. Pilipinas 2022 press presentation

Hindi nagpapigil ang komedyante at TV host na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Sa press presentation noong Martes ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 ay markado ang overall performance ni Herlene. Ipinakita lang naman kasi niya ang kanyang killer na ‘Squammy Walk’ sa harap ng mga pageant panelists at miyembro ng press.

Nakasuot ng asul na one-piece swimsuit ni Justine Aliman at nakasuot ng nude pumps ni Jojo Bragais, pinahanga ni Herlene ang mga manonood sa kanyang stage presence at seksing pigura habang kumpiyansa siyang rumampa sa nakasinding LED stage ng Grand Ballroom ng Novotel Manila.

Credit: Herlene Budol/Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News Online ay perfect 10 ang score na ibinigay ni Herlene sa kanyang naging performance.

Ayon sa kanya, “Masaya po talaga ako kasi may improvement ako. At alam ko pong may mapipiga pa sa ‘kin hanggang sa coronation night.”

Busy ang schedule ng mga Bb. Pilipinas candidates lalo pa at papalapit na sila sa coronation night. Sa katunayan ay ipapakita nila ang kanilang mga bonggang national costume sa Hulyo 16, na susundan ng inaabangang Parade of Beauties sa Hulyo 23.

Samantala, maraming netizen naman ang nakapansin at humanga sa naging improvement ng pasarela walk ni Herlene. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Credit: Herlene Budol/Facebook
Credit: Herlene Budol/Facebook
Credit: Herlene Budol/Facebook
Credit: Herlene Budol/Facebook

Mapapanood ang Binibining Pilipinas 2022 coronation night sa darating na Hulyo 31 sa Smart Araneta Coliseum.

Share this article
Erie Swan