May ibinahagi ang showbiz writer at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa relasyon ng KathNiel sa kanilang mga kaibigan sa Nguya Squad.
Tanong kasi ng mga netizens, si Julia Barretto ba ang dahilan kung bakit hindi nakadalo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal ng dalawa nilang malalapit na kaibigan?
Kumakalat sa social media ang mga tsismis at haka-haka tungkol kay Kathryn at sa kanyang mga kaibigan sa Nguya Squad. Nanganganib nga bang masira ang kanilang pagkakaibigan? Ano ang dahilan? Bakit binura ni Kathryn ang isang vlog niya na kasama ang mga kaibigang babae sa squad nila?
Ang Nguya Squad ay isang pangkat ng showbiz personalities kung saan matagal nang kasama ang KathNiel. Kasama rin din dito ang iba pang mga personalidad tulad nina Marco Gumabao, Ria Atayde, Aeriel Garcia, Joe Vargas, Bianca Yanga, Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Patrick Sugui. Lumaki ang kanilang grupo at minsan pa ngang namataan si Joshua Garcia na kasama sa kanilang mga lakad.

Kamakailan lang ay dalawang pares ang ikinasal sa kanilang grupo at sa parehong pagkakataon ay absent ang KathNiel. Kaya naman nagdala ito ng kalituhan sa ilang mga netizens na nakakaalam kung gaano kalapit ang dalawa sa mga kaibigang ikinasal.
Nang magpakasal sina Patrick at Aeriel ay napabalitang nasa trabaho ang KathNiel at hindi nabigyan ng permiso na dumalo sa kanilang kasal. Nang ikasal naman sina Joe at Bianca ay wala rin ang Kathniel dahil may sakit diumano si Daniel. At sa parehong mga kaganapan ay naroroon naman si Julia. Sa kasal nina Joe at Bianca ay kasama pa niya ang boyfriend na si Gerald Anderson.

At sa panibagong Youtube vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi ay may ibinunyag ang huli. Ibinahagi ni Mama Loi ang mensaheng natanggap niya mula sa isang nagsasabing mukhang dahil daw kay Julia kaya hindi dumalo ang Kathiel. Ipinaliwanag ng mensahe na naging kaibigan na ni Julia ang mga miyembro ng Nguya Squad bago pa man nabuo ang grupong ito na nagpapaliwanag kung bakit dumalo siya sa parehong kasal.
Ipinahayag naman ni Ogie na hayaan na lang ang mga artistang sangkot na magsalita sa tamang oras kung gugustuhin nila. Idinagdag pa niya na ang lahat ng ito ay haka-haka lamang dahil ang katotohanan ay dapat manggaling sa mga sangkot na partido.
Related: