Ruffa Gutierrez sinagot si Rowena Guanzon tungkol sa mga “pinalayas” na kasambahay

Nag-react ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa tweet ni dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guazon tungkol sa dalawang kasambahay na diumano’y “pinalayas” sa bahay na kanilang pinagtatrabahuan.

Sa kanyang Twitter post kamakailan ay sinabi ni Guanzon na kinailangang iligtas ng kanyang kaibigan ang dalawang kasambahay na nagtatrabaho sa isang first class subdivison dahil itinapon sila ng kanilang amo at hindi binayaran ang kanilang suweldo.

Ayon pa sa tweet ng dating Commisioner, “Ruffa Gutierrez is it true?”

Credit: Rowena Guanzon/Twitter

Itinanggi naman ito ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Paliwanag ni Ruffa, “Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

Credit: Ruffa Gutierrez/Twitter

Sinabi rin ng aktres na ang dalawang kasambahay na nagsisimula pa lang magtrabaho para sa kanya, dalawang linggo na ang nakakaraan, ay nakikipag-away sa kanyang 68 taong gulang na mayordoma na halos 18 taon na nilang kasama.

Ayon sa kanya, “The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

Binigyang-diin din ni Ruffa na hinihingi ng dalawang kasambahay na umalis sa kanyang bahay ngunit sinabi niyang hintayin ang kanyang pag-uwi para makapag-usap sila.

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave,” dagdag pa ni Ruffa.

Credit: Ruffa Gutierrez/Twitter

Binigyang diin din ng “Maid in Malacañang” actress na hindi niya pinalayas ang dalawang kasambahay. Sa katunayan, busy diumano siya sa shooting ng kanyang bagong pelikula nang mangyari ang insidente.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG – You should watch it BTW. You’re gonna love it,” dagdag pa niya.

Credit: Ruffa Gutierrez/Twitter

Sinabi rin ni Ruffa na palagi siyang bukas-palad para sa kanyang mga mahal sa buhay at sa mga nagtatrabaho sa kanya at dahil dito, karamihan sa kanilang mga kasambahay ay nagtatrabaho sa kanila nang maraming taon. Ito rin ay dahil itinuturing niya silang bahagi ng kanilang pamilya.

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po,” pagtatapos pa ni Ruffa.

Credit: Ruffa Gutierrez/Twitter

You may also like:

Share this article
Erie Swan