Pokwang hiwalay na sa kanyang Afam na live-in partner

Kinumpirma ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na hiwalay na ang komedyanteng si Pokwang at ang kanyang live-in partner na si Lee O’Brian.

Nakilala ni Pokwang si Lee noong 2014 nang gawin nila ang pelikulang “Edsa Woolworth” na ginawa ng The Filipino Channel (TFC).

Ayon sa artikulo ng Bandera, may ispekulasyon na ang mga netizens at showbiz fans na hiwalay na sina Pokwang at Lee nang hindi na isinama ng komedyante ang pangalan ni Lee sa mga produktong ibinebenta nito. Nang maglaon ay naglunsad si Pokwang ng bagong label na may pangalan niya lamang.

Credit: Pokwang/Instagram

Samantala, sa panibagong vlog ni Ogie kamakailan ay kinumpirma niyang hiwalay na ang kaibigan niya kay Lee.

Pagbubunyag ni Ogie, “Last November 2021 pa wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’ Brian. Kaya si Papang Lee ngayon ay nagsosolo ng tirahan at may hanapbuhay yata at nakatakdang umuwi si Papang sa US hindi ko alam kung kailan.”

Credit: Ogie Diaz/Youtube

Tinanong naman ng co-host ni Ogie na si Mama Loi kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sinabi diumano ni Pokwang na masalimuot ang kwento ng kanilang hiwalayan ngunit sinabi rin niya na ang mahalaga ay naghiwalay sila ni Lee ng walang galit sa isa’t isa.

Nang tanungin ni Mama Loi ang tungkol sa anak nilang dalawa na si Malia, sinabi ni Ogie na nasa pangangalaga ngayon ni Pokwang ang anak. Kapag naman na nasa lock-in taping daw si Pokwang ay pinapakiusapan niya diumano si Lee para bantayan si Malia.

Kumbaga, nagkaayos na ang dating magkarelasyon sa isang co-parenting setup. Ibinahagi rin ni Ogie na tinanong niya ang kaibigan kung siya ba ay malungkot, sagot ng komedyante na sanay na siyang mag-isa. Hindi na raw importante sa kanya kung may partner o wala, ang importante ay kasama niya ang kanyang mga anak.

You may also like:

Share this article
Erie Swan