Vice Ganda, Toni Gonzaga, Coco Martin ilan sa mga artistang mapapanood sa MMFF 2022

Kabilang sina Vice Ganda, Coco Martin, Ivana Alawi, Ian Veneracion, Joey de Leon at Toni Gonzaga sa mga artistang mapapanood sa big screen sa darating na 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Inihayag ng MMFF ang unang apat na entries sa taunang film festival sa kanilang Facebook page kahapon Hulyo 8.

Si Vice Ganda ay bibida sa pelikula ni Cathy Garcia-Molina na “Partners in Crime” kasama si Ivana, habang si Coco naman ay lalabas sa “Labyu with an Accent” kasama si Jodi Sta. Maria. Ang parehong mga pelikula ay ginawa ng ABS-CBN Film Productions.

Makakatrabaho naman ni Ian sina Heaven Peralejo at Mon Confiado sa “Nanahimik ang Gabi,” at si Toni naman ay makakasama si Joey de Leon sa “The Teacher.”

Ang unang apat na pelikula ay pinili ng MMFF selection committee batay sa script submissions, habang ang apat pang opisyal na entry ay pipiliin batay sa matatapos na film submission ngayong Setyembre.

Narito ang unang apat na opisyal na entry sa MMFF 2022:

LABYU WITH AN ACCENT by ABS-CBN Film Productions
Director: Rodel Nacianceno
Scriptwriter: Patrick Valencia
Starring: Coco Martin at Jodi Sta. Maria

NANAHIMIK ANG GABI by Rein Entertainment Productions
Director & Scriptwriter: Shugo Praico
Starring: Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo

PARTNERS IN CRIME by ABS-CBN Film Productions
Director: Cathy Garcia-Molina
Scriptwriter: Enrico C. Santos
Starring: Vice Ganda at Ivana Alawi

THE TEACHER by TEN17P
Director: Paul Soriano
Scriptwriter: Emma Villa
Starring: Joey De Leon at Toni Gonzaga

Matatandaang nagbiro si Vice Ganda tungkol sa kanyang pagbabalik sa MMFF noong nakaraang taon, kasunod ng kanyang 2019 film na “The Mall, The Merrier.” Lumabas si Coco sa pelikulang “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” sa parehong taon.

Samantala, ipinasilip naman ni Heaven ang “death-defying” stunts sa pelikula nila ni Ian sa pamamagitan ng behind-the-scenes moment na kasama ang aktor.

Ang deadline para sa pagsusumite ng pelikula, kung saan pipiliin ang iba pang apat na official entry sa MMFF, ay sa Setyembre 2 para sa early birds submission at Setyembre 30 para sa regular submission.

You may also like:

Share this article
Erie Swan