Andrea Brillantes ipinaliwanag ang pagbe-baby talk: “Nung bata ako, kulang din ako sa pansin”

Ibinunyag ng controversial actress na si Andrea Brillantes kung paano nawala ang kanyang pagkabata matapos siyang magsimulang magtrabaho sa murang edad. Ito ang sinabi niyang dahilan ng madalas niyang pagbe-baby talk nang hindi niya namamalayan.

Ipinaliwanag ni Andrea, na pumasok sa showbiz sa edad na 7, kung papaanong lumalabas ang ganoong boses kapag nakakaramdam siya ng seguridad at pag-aalaga. Ang rebelasyon ni Andrea ay inupload sa Youtube channel ng brodkaster na si Karen Davila kahapon, Hulyo 9.

Kwento pa ni Andrea, “‘Yung pagbe-baby talk ko na laging nagte-trending. Voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko subconsciously. Bigla lang siya nagsi-switch kasi nung bata ako, kulang din ako sa pansin. Kasi nga bunso ako, hindi ako lumaki sa parents ko. Baby-baby talaga ako dati-dati pa. Pero ‘yung pagka-baby voice ko sometimes good and bad.”

“Kasi minsan lalabas siya, ibig sabihin ‘nun ‘pag komportable ako sa’yo. Or feeling ko, may nakikita akong father figure sa’yo or kuya figure, ate figure. Kasi lumaki din ako sa broken family. So, hindi ko talaga siya napipili. Minsan mari-realize ko nalang ‘pag inaasar na ako ng mga tao na ‘dun ako nagbe-baby talk ako.”

Credit: Karen Davila/Youtube

Ipinunto din ni Andrea na hindi siya nasasaktan kapag nakakatanggap siya ng pamba-bash dahil sa kanyang boses kasi wala naman daw siyang kontrol dito.

“Bumabalik at bumabalik talaga siya. Nababago ko lang siya kapag may role ako kasi trabaho ‘yon at kailangan. So feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala.”

Credit: Karen Davila/Youtube

Nagkuwento rin ang young actress tungkol sa impresyon sa kanya ng publiko, matapos siyang tanungin ni Karen kung sa tingin ng aktres ay hindi patas na tawagin siyang “wild” sa kabila ng mga sakripisyo niya para sa kanyang pamilya.

“Kasi po makulit po talaga ako, aminado naman ako eh. Atsaka lumalabas ako, maraming akong kaibigan. Kaso lang, marunong ako mag-balance.”

“Isa ‘yun sa frustrations ko at frustrations ng lahat ng kaibigan ko. As in,sila mismo ang magsasabi sa akin na, ‘Hindi mo ‘to deserve.’ ‘Yung baby talk ko, akala kasi nila nagpapa-cute ako pero ‘yung mga friends ko, alam nilang gano’n lang talaga ako as person. So sila ‘yung minsan naaawa pa sa akin,” paliwanag ni Andrea.

“Pero kasi, wala po talaga akong magagawa eh, kahit anong pilit ko. Kaya kahit anong gawin ko, wala talaga sa kakayanan ko na mabago ‘yung paningin ng mga tao kung ‘yun ‘yong pipilitin nilang tingnan eh.”

Watch the full interview here:

Samantala, kamakailan ay ibinulalas ni Andrea kung ano ang kanyang nararamdaman tungkol sa kanyang mga bashers. Sinabi niyang hindi siya nababahala sa kanila dahil sanay na siyang ma-bash pagkatapos ng maraming taon niya bilang isang artista.

You may also like:

Share this article
Erie Swan