Ibinunyag kamakailan ng Filipino-British actor at host na si Edward Barber na plano niyang maging pastor balang araw.
Si Edward ay nagsimulang sumikat noong 2016 matapos sumali sa reality tv series ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Lucky 7, kung saan nakamit niya ang pang-apat na pwesto.
Sinimulan ni Edward ang kanyang karera sa pelikula sa pamamagitan ng isang lead role sa romantic comedy movie na ‘Loving in Tandem.’ Kilala rin siya na ka-love team ng Kapamilya star at ‘Amakabogera’ singer na si Maymay Entrata. Mahal sila ng kanilang mga fans dahil ang kanilang tandem ay natural at nabuo sa isang pagkakaibigan.

Sa isang panayam ng Star Magic Inside News, ibinahagi ni Edward na natagpuan niya ang kanyang layunin sa buhay sa labas ng showbiz pagkatapos niyang sumali sa isang ministeryo sa kanilang simbahan. Nasisiyahan diumano siya ngayon sa paglilingkod sa kanyang ministeryo sa simbahan tuwing Sabado.
Paliwanag ni Edward, “Nahanap ko yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at yung ginagawa ko sa loob ng industry. May mga bagay na I’m not willing to sacrifice or mas importante yun kesa yung job here and there sa loob ng industry.”
Sa panayam, inihayag ni Edward na nais niyang maging isang pastor balang araw.
“I love ABS-CBN. Mahal ko ang pamilya ko dito. Ngunit sa pagtatapos ng araw, ito ay trabaho. At mayroon akong ibang mga tao na mahal ko rin sa labas. Gusto kong maging isang ministeryo na hindi isang pari, isang pastor. Baka isang araw,” pag-amin pa ng aktor.

Sinabi rin ni Edward na wala siyang balak na lisanin ang showbiz, sa kabila ng mga hangarin na maging isang pastor sa hinaharap. Balak niyang magpatuloy sa pagtatrabaho bilang artista dahil nag-e-enjoy pa rin siya sa kanyang ginagawa.
Sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng Star Magic, makakasama ni Edward sa US tour ang iba pang Star Magic artists tulad nina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Belle Mariano, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes, Zanjoe Marudo at marami pang iba.