Binatikos ng mga netizens ang aktres na si G Tongi dahil sa kanyang Twitter post na nagsasabing saksi siya noong pinatalsik si Marcos.
Tila ang tinutukoy ni G ay ang People Power revolution noong 1986. Ang pangyayaring iyon ang nagtulak kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at sa kanyang pamilya na umalis sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay G, “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”

Ito ang naging naging reaksyon ni G dahil sa pambabatikos sa kanya ng batikusin nito si Ella Cruz na nagsabi na “History is like tsismis.” Si Ella ay gumaganap bilang si Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malacañang” na naglalayong ikuwento ang huling 72 oras ng pamilyang Marcos bago sila umalis sa Palasyo.
“@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would ❤️ to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say. Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!” Dagdag pa ng aktres.

Sa kanyang naging pahayag tungkol sa paglahok sa EDSA revolution sa edad na 8 taong gulang para mag-rally laban sa mga Marcos ay umani ito ng mga batikos mula sa mga netizen.
Ipinakita pa ng isang netizen ang isang artikulo na inilathala ng Inquirer na nagsasabing siya ay pinalaki ng kanyang ina sa New York at nakapunta lamang siya sa Maynila noong siya ay 15 taong gulang.

May isang netizen rin ang nagsabi na tila ang aktres na mismo ang nagsabi na sinungaling ang mainstream media.


Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:





Related: