Annabelle Rama tinalakan nga ba si Rowena Guanzon?

Mukhang umpisa nang makipag-“bardagulan” ang talent manager na si Annabelle Rama kay P3PWD Partylist Representative Rowena Guanzon sa social media.

Ang terminong “bardagulan” ay naging isang popular na salita para sa mga mahihilig tumalak sa social media. Nagmula ito sa salitang “bardagol” na isang malaking karakter na ang laki ay akma para mang-api ng mga taong nakapaligid sa kanya. Batay sa depinisyon mula sa Inquirer, ang termino ay slang na ginagamit kapag ang isang karakter ay nasasangkot sa alinman sa isang matinding debate o suntukan.

Nitong Hulyo 11 ay ibinahagi ni Annabelle, ina ng aktres na si Ruffa Gutierrez, ang kanyang reaksyon sa kamakailang kontrobersiya na kinasangkutan ng dalawang katulong ng kanyang anak.

Ayon kay Anabelle, ““Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!! Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??”

Credit: Annabelle Rama/Twitter

Kahit pa man hindi pinangalanan ni Annabelle kung sino ang tinatalakan niya sa social media ay marami naman kaagad sa mga netizens ang nag-isip na si Guanzon ito.

Nag-umpisa ito sa mga Twitter post ni Guanzon na tila inakusahan niya si Ruffa nagtatanong kung pinalayas ba nito ang kanyang mga katulong sa kanilang bahay at hindi binabayaran ng suweldo. Sinagot na ng aktres ang mga tweet ng dating Comelec Commissioner at noong Hulyo 11 ay naglabas ng opisyal na pahayag ang kanyang abogado tungkol dito.

Sinabi ng abogado ni Ruffa na susuriin nila ang lahat ng legal na aksyon at remedyo na maaari nilang gawin upang masugpo ang pagkalat ng fake news laban sa aktres.

Ilang oras matapos ang social media post ni Annabelle ay may reply kaagad ang kongresista. Ibinahagi ni Guanzon ang kanyang larawan at kinabitan ng caption na: “Wait lang dayy.”

Sa comment section ay may mga kumakampi kay Guanzon ngunit marami rin ang nagsasabi na “reyna ng bardagulan” si Annabelle at mukhang mahihirapan siyang pataubin ito.

Credit: Rowena Guanzon/Facebook

Sino nga kaya ang mananalo sa “bardagulan” series na ito? Abangan nalang natin ang mga susunod na kabanata.

Related:

Share this article
Erie Swan