Humingi ng paumanhin ang Youtuber at aktres na si Donnalyn Bartolome matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa kanyang mapangahas na baby-themed birthday photoshoot.
Si Donnalyn ay pumukaw ng pansin ng mga netizens dahil sa pagbabahagi nito ng ilang mga larawan na suot ang kasuotan ng sanggol upang ipagdiwang ang kanyang ika-28 kaarawan. Nag-upload din siya ng mga behind-the-scenes na video tungkol dito sa kanyang channel.
Sa kanyang post noong Sabado, Hulyo 9 ay ibinahagi ni Donnalyn ang kanyang larawan suot ang isang onesie habang subo-subo ang isang baby bottle. Sa sumunod na post ay nagsuot si Donna ng bib bilang pang-itaas, na inilantad ang kanyang underbo*bs. Nagsuot din siya ng tela na naka-pin sa magkabilang gilid bilang kanyang pang-ibaba upang gayahin ang isang sanggol na may suot na lampin.
Bagama’t karamihan sa mga komento ay tungkol sa pagbati sa kaarawan ng vlogger ay may ilang netizens na hindi natuwa na makitang hindi naaangkop ang kanyang pananamit. Agad na umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang mga larawan na ito ni Donnalyn. Sinabi ng ilang netizens na nakababahala at tila binubuhay ng Youtuber ang kultura ng pedopilya.
Samantala, humingi naman ng paumanhin noong Hulyo 10 si Donnalyn sa kanyang nagawa. Sa kanyang mensahe, idiniin niya na hindi niya kailanman intensyon na suportahan ang mga nakakapangilabot na gawain. Idinagdag din niya na hindi niya agad natanggal ang mga larawan dahil kailangan niya munang magkaroon ng copyright para maiwasan pa ang pagkalat nito.
Narito ang buong post ni Donnalyn:
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 9.2 million Youtube subscribers at 15 million Facebook followers si Donnalyn. Siya din ay pang-lima sa “Top Content Creators” list ng YouTube Philippines na inilabas noong Disyembre 2021.
Samantala, narito ang ilan sa komento ng mga netizens tungkol sa controversial photoshoot ni Donnalyn:





You may also like: