Bea Alonzo sinisi ni Lolit Solis dahil sa eksenang “ghosting” kay Gerald Anderson

Walang kaabog-abog na sinisi ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo dahil sa “ghosting” na naranasan niya mula sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Alam ng maraming mga netizens na naging hot issue ang breakup nina Bea at Gerald. Ang breakup na ito ng dalawa ay umani ng samut-saring reaksyon mula sa maraming tao mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.

Sinabi ni Bea sa isang interview na isang araw ay huminto na lamang si Gerald sa pakikipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon, kapag tinatanong tungkol kay Gerald, ay makikita pa rin na asiwa si Bea na sagutin ang tanong at hangga’t maaari ay hindi niya binabanggit ang pangalan nito.

Credit: Instagram

Sa ilang pagkakataon ay napag-usapan ni Lolit ang nakaraang relasyon nina Bea at Gerald. Kamakailan lang ay muling nagkuwento ang beteranang kolumnista tungkol sa dating magkarelasyon.

Ibinahagi ni Lolit ang isang art card mula sa Pilipino Star Ngayon kung saan tampok ang pahayag ni Bea tungkol sa pagiging bukas niya sa pakikipagtrabaho sa kanyang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo ngunit hindi sa isang partikular na ex-boyfriend.

Marami naman sa mga netizens ang nanghula na si Gerald ang tinutukoy ng Kapuso actress.

Dinepensahan naman ni Lolit si Gerald. Ayon sa kanya, “Parang ang bitter naman ni Bea Alonzo sa ghosting sa kanya ni Gerald Anderson, Salve. Siguro naman hindi gagawin iyon ni Gerald kung walang dahilan.” Sinabi rin ni Lolit na binanggit ni Bea na dalawang beses itong nangyari, kaya ibig sabihin daw nito na hindi kasing laki ng pagmamahal niya kay Gerald ang pagmamahal nito sa kanya.

Credit: Instagram

Kaya naman biglang bumanat si Lolit na dapat si Bea ang sisihin sa nangyari. Dapat din daw ma-realize ni Bea na ipinagpalit siya ni Gerald sa mas batang babae.

Diin ni Lolit, “So ang meron mali kay Bea Alonzo, bakit kahit ano gawin niya, wala lang, iniiwan lang siya. Imagine mo ipagpalit ka sa mas bata at mas maganda Julia Barretto, parang talo ang Bea Alonzo di ba? Ibig sabihin mas may something special kay Julia Barretto at wala nito si Bea Alonzo?”

Idinagdag din ni Lolit na masakit ito para kay Bea at nakaukit na ito sa kanyang alaala na minsan ay basta nalang siyang iniwan ni Gerald.

“Bongga ang Gerald Anderson, iniiwan lang basta basta ang isang Bea Alonzo. How painful naman huh huh huh,” pagtatapos pa niya.

Credit: Lolit Solis/Instagram

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Bea tungkol dito.

Related article:

Share this article
Erie Swan