Paolo Ballesteros kumpirmadong host ng ‘Drag Race Philippines’, Vice Ganda nag-react

Kilala ang Filipino actor at tv host na si Paolo Ballesteros bilang host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga.” Siya ay may anak na babae na nagngangalang Keira Claire.

May kakaibang kakayahan rin si Paolo na mag-transform bilang isang sikat na tao at karakter sa pamamagitan ng makeup. Nagbabahagi siya ng mga larawan ng kanyang nakakalokang transformation sa social media para makita ng lahat ng kanyang mga tagahanga. Dahil dito ay hinahangaan ang husay ni Paolo dito man sa Pilipinas o kahit sa ibang bansa.

Gayahin man niya Julia Roberts, Si Anne Hathaway o si Angelina Jolie at marami marami pang iba ay paulit-ulit na ipinapakita ni Paolo ang kanyang husay at pambihirang make-up skills.

Credit: Paolo Ballesteros/Instagram

Noong Martes, Hulyo 12 ay inanunsyo ng streaming platform na Discovery Plus Philippines sa Twitter na ang 39-anyos na celebrity at TV host ay ang nakatakdang maging pangunahing host ng debut season ng “Drag Race Philippines.”

Ayon sa caption: “Halleloo huns, come through! Charisma, Uniqueness, Nerve, and Talent sashay their way to discovery+ with the multi-talented artist Paolo Ballesteros as fab host. We’re screaming, sists!”

Ang Discovery Plus Philippines ay nagbigay din ng unang pasilip sa tv host. Bongga ang iginanda ni Paolo dahil sa full glam look. Nagsuot din siya ng makulay na off-shoulder gown na mas lalong nagpatingkad sa kanyang ganda.

Ibinahagi rin ni Paolo ang teaser sa kanyang Instagram account. Sa comment section naman ay sinabi ni Unkabogable Star at It’s Showtime host Vice Ganda na excited na siyang makita si Paolo sa show.

Ayon kay Vice, “Zooooooooo eggggzzzzyyyytttttiiiiddddddd!!!!!!!!”

Credit: Paolo Ballesteros/Instagram

Batay sa ulat ng ABS-CBN, ang bagong show ni Paolo ay mapapanood sa Agosto 17. Nagkaroon ng audition ang show para sa debut season nito noong nakaraang Agosto. Ang “Drag Race Philippines” ay isa lamang sa maraming franchise ng sikat na US reality TV show na “Rupaul’s Drag Race.” Ito ang magiging pangalawang franchise sa Asia pagkatapos ng “Drag Race Thailand.”

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.