Ibinunyag ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na wala siyang planong magkaroon ng bagong karelasyon matapos ang kanyang masakit na heartbreak.
Sa kanyang panayam kay Karen Davila sa channel ng news anchor sa YouTube, sinabi ni Andrea na hinanap niya ang kanyang sarili pagkatapos ng kanyang “pinakamalaking heartbreak” at ang pagpanaw ng kanyang tiyahin.
Ayon kay Andrea, “Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend ulit, kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko. Lost na ako. Tapos habang nagkaroon ng issue sa biggest heartbreak ko na ‘yun, namatay din yung tita ko. Lahat ng hurt ko noon.”
“Pinagtawanan lang ng mga tao na sinasabi nila na wala akong karapatang masaktan. Hindi nila alam na hurt and confused lang ako sa nangyayari. Ako sobrang lost ko nun kasi hindi ko nga alam kung paano mag-move on eh. Paano pa ba mag-move on dun sa tita ko tapos sa issues na sinasabi ng lahat ng tao? Tapos lahat sila galit na galit sa akin. Lahat sila sinasabi na pa-victim ako.” dagdag pa niya.

Kung maaalala ay ibinunyag ng young actress na noong Abril ay naging magkarelasyon sila ng dating ka-loveteam na si Seth Fedelin sa loob ng dalawang taon matapos silang maghiwalay noong Oktubre 2021. Idinagdag din niya na pinalipas niya muna ang three month rule bago muling nakipag-relasyon.
Sinabi pa ni Andrea na nagluluksa pa rin siya nang makilala niya ang boyfriend ngayon na si Ricci Rivero.
“Nung nakita ko siya, wala na din kami nung ex ko noon. So para po sure, wala pong third party or anything. At tsaka nung nakita ko siya, sawi pa din ako dun sa isa. Alam din naman yun ni Ricci,” paliwanag ni Andrea.
Dagdag pa niya, “Hindi po ako mahilig sa basketball player, kasi sabi nila manloloko. ‘Yung mga ganyan. Kaya sabi ko, ‘di na. Ayoko na ng another heartbreak.”

Ngunit nagbago daw ang lahat pagkatapos ng pinag-usapang proposal ng basketball star kay Andrea matapos ang laro nito sa UAAP. Ipinaliwanag ni Andrea na wala siyang kaalam alam na gagawin iyon ni Ricci.
Kwento ni Andrea, “Hindi po. Actually ang totoo niyan, ihing-ihi na ako nun. Although may kutob ako, slight. Kasi before nun nanliligaw na po siya. Tapos sabi ko, ‘After nalang ng UAAP mo,’ kasi syempre gusto ko dun siya mag-focus. Sabi ko nga kahit hindi na muna niya ako kausapin, ok lang. Tapos sabi niya ok lang daw sa kanya. Gusto pa rin daw niya ako kausapin.”
“Tapos syempre hindi naman ako perfect. Marupok ako. So sabi ko… a week before siya nag-ask, sabi ko ‘Sige na nga. Kahit kelan mo ako gusto tanungin, pwede mo na ako tanungin.’ Kasi hinihintay niya lang kung kelan ok lang din sa akin.”

Nagkwento rin si Andrea na may pagkakapareho sila ng hilig ng nobyo, kagaya ng astrology.
“Nung nakikita kong nagpo-post siya sa private IG, magka-follow kami doon. Tapos tungkol sa astrology, eh mahilig ako dun, sa mga Gemini ganyan. Sabi ko, ‘Uy mahilig ka pala diyan.’ Tapos sabi niya, ‘Yeah,’ tapos hindi na ako nag-reply.”
Andrea Brillantes’ full interview:
Iginiit din ni Andrea, sa kabila ng maraming mga taong nagdududa, na seryoso ang relasyon nilang dalawa ni Ricci.
Related article: