Anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak, nagpabawas ng hinaharap

Ibinahagi ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak, ang kanyang pinagdaanan upang bawasan ang laki at bigat ng kanyang dibdib.

Kung may mga babaeng walang confidence dahil sa maliit na dibdib ay mga babae naman na hindi kumportable sa malaking hinaharap. Sa isang panayam noong 2019 ay ibinahagi ni Ina na ang kanyang anak na si Erika ay may isang insecurity at ito ay ang kanyang dalawang malaking hinaharap.

Credit: Erika Poturnak/Instagram

Itinanggi rin ni Ina ang mga tsismis na dumaan diumano sa cosmetic surgery si Erika upang palakihin pa ang kanyang diddib. Ayon pa sa aktres, ang gusto lang naman ng kanyang anak ay bawasan ito.

Sabi ni Ina sa nakaraang interview, “You have no idea how this made her insecure about her body but I’m happy that it’s not affecting her much anymore. She’s embracing what she has. Be careful with what you say.”

Credit: Ina Raymundo/Instagram

At kamakailan lang, sa pamamagitan ng Tiktok ay ibinahagi ni Erika ang mga clip ng kanyang journey. Nagpakonsulta kasi siya sa isang doktor tungkol sa kanyang desisyon. Ipinasilip din niya ang araw ng kanyang operasyon. Hindi man niya ibinunyag ang mga detalye tungkol sa kanyang operasyon ngunit malinaw sa video na sumailalim siya sa isang procedure para paliitin ang kanyang dibdib.

Ayon sa caption ni Erika: “Happiest day of my life.” Kinabitan pa niya ito ng #breastreduction at #breastreductionsurgery.

Samantala, si Erika ay ang napapabalitang girlfriend ng basketbolistang si Kobe Paras. Nakita kasi silang nagbabakasyon sa isang beach na magkasama at nai-post nila sa social media ang ilan sa kanilang mga nakakakilig na eksena.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.