Pakikipag-bardagulan ni Janine Berdin kay DJ Loonyo trending sa social media

Trending sa social media sina DJ Loonyo at Janine Berdin. Nagsimula ang isyu nang pinalitan ni Janine ang kanyang display photo sa Facebook ng meme tungkol sa pagpapalit ng Ninoy Aquino International Airport sa DJ Loonyo International Airport. Pinagtatawanan din ng meme ang kanyang “hawak bayag” dance steps.

Trending sa social media sina DJ Loonyo at Janine Berdin. Nagsimula ang isyu nang pinalitan ni Janine ang kanyang display photo sa Facebook ng meme tungkol sa pagpapalit ng Ninoy Aquino International Airport sa DJ Loonyo International Airport. Pinagtatawanan din ng meme ang kanyang “hawak bayag” dance steps.

Credit: Facebook

Ang “hawak-bayag” dance step ay ginagawa ni DJ Loonyo sa tuwing siya ay sumasayaw. Pero ang dapat sana ay biro at para lang sa katuwaan na post ng Tawag Ng Tanghalan champion ay ikina-offend ng dancer. Sineryoso kasi ito ni DJ Loonyo at idiniin na ang ganoong gawain ay kawalan ng paggalang sa kanya na walang ginawang masama kay Janine o sa sinuman.

Malinaw na hindi nagustuhan ni DJ Loonyo ang biro at nais iparating itong iparating sa singer. Ibinahagi niya ang isang screenshot ng kanilang personal na pag-uusap.

Tanong niya sa singer, “Maam sorry. May natitira pa po ba kayong respeto? May nagawa ba ako sayong mali?”

Credit: DJ Loonyo/Facebook

Sinagot ito ng mang-aawit at ipinagtanggol ang sarili. Ipinaliwanag niya na ang kanyang post ay isang meme lamang na nakita niyang sobrang nakakatawa at hindi ito sinadya. Naniniwala rin si Janine na hindi rin ito mahahalata ng mga tao dahil ito ay isang meme lamang at maaari naman niyang itong alisin kung gugustohin niya.

Credit: DJ Loonyo/Facebook

Sa isang komento sa isa sa kanyang mga post ay pinalawak pa ni DJ Loonyo ang kanyang sentimyento matapos maging paksa ng katatawanan sa social media. Hiniling niya sa singer na maging sensitibo dahil hindi niya alam ang pinagdadaanan nito.

Ayon kay DJ Loonyo, “Kung wala kayong magawa, pagtripan niyo sarili niyo wag ibang tao. Maging sensitive tayo minsan, di natin alam pinagdadaanan ng isa’t isa satin. Ini-expect ko yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang “RESPETO NA LANG SANA”. Pero para katuwaan sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN. Weird sh*t!!! PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako. ”

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Janine kay DJ Loonyo ngunit pinanindigan niya ang kanyang ginawa. Naniniwala siya na walang mali sa kanyang ipinost. Para sa kanya ay isang bagay na random lang ito at halatang nakakatawa.

Ayon sa singer, “Really didn’t mean any harm! I don’t think people found it degrading to you as well po! But if you want I could always take it down Kuya!”

Sa kasalukuyan ay burado na ang post na ito ni Janine sa kanyang Facebook page.

You may also like:

Share this article
Erie Swan