Ikinasal na sina Paco at Cherry sa ABS-CBN teleserye na “A Family Affair” at hindi napigilan ng mga netizens na purihin ang kakaibang chemistry nina Gerald Anderson at Ivana Alawi.
Ang “A Family Affair” ay ang kauna-unahang pinagbibidahang serye sa telebisyon ni Ivana. Mayroon siyang apat na leading man na sina Gerald, Jake Ejercito, Jameson Blake at Sam Milby. Sa trailer ng teleserye ay nakakuha ng malaking atensyon sina Gerald at Ivana dahil sa kanilang hindi maipagkakailang chemistry.
Sinabi rin ni Gerald sa isang nakaraang artikulo na hindi siya kinakabahan na gawin ang mga maiinit at mapangahas na eksena ngunit nag-aalala siya kay Ivana.
Ayon sa aktor, “Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ito na magiging komportable siya sa scene?’”
Maging si Ivana ay nabigla rin kung paano naging maaliwalas ang mga eksena at sobrang nasiyahan siya sa naging resulta. At kamakailan lang, sa isang episode ng teleserye ay tuluyan nang ikinasal ang mga karakter nila na sina Cherry at Paco.

Maganda ang mga kinunang eksena pero bukod sa magagandang detalye ay napansin din ng mga netizens ang chemistry ng dalawang bida. Sa isang video sa Instagram sa tila honeymoon scene nila ay mas matindi pa ang kanilang chemistry.

At walang ibang naging bukambibig ang mga netizens kundi puro papuri sa natural na chemistry nina Ivana at Gerald sa kanilang kauna-unahang proyekto.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:




Panoorin ang pinag-uusapang eksena nina Ivana at Gerald:
Related article: