Nakatanggap ng regalo si Senator Robin Padilla mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang pagkapanalo noong 2022 elections.
Maraming netizens ang nagulat sa paging numero unong Senador ng baguhang mambabatas. Bukambibig kasi nila ng asawang celebrity vlogger na si Mariel Rodriguez-Padilla na kulang sila sa makinarya noong kampanya.

Buti na lang at may mga tumulong sa kanila at isa na nga rito ang dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Tinawag din ni Robin si Arroyo at ang kanyang asawa na si dating First Gentleman Mike Arroyo bilang kanyang mga “secret weapon” noong nakaraang halalan.
Kasunod ng kanyang tagumpay sa pagka-senador ay nakatanggap si Robin ng regalo mula sa mag-asawang Arroyo.

Sa kamakailang Instagram post ni Mariel ay ibinahagi niya na nagbakasyon sila sa Balesin Island at ito ay regalo ng dating Pangulo. Kinilala rin ni Mariel ang napakalaking suportang nakuha nila mula sa mag-asawang Arroyo.
Ayon pa kay Mariel, “We had an unforgettable vacation with the Arroyos. Sir FG and Madame PGMA’s treat for Robin because he won. Baliktad because kami ang nagpapasalamat sa kanila. Big big help in Luzon, Visayas and Mindanao. They organized rallies and meetings for Robin because wala naman kaming means mag ganun. They did all that with nothing in return they just believe and want to help Robin out.”

Ibinahagi niya na ang mga Arroyo ang nag-organisa ng mga rally at pagpupulong para sa kanyang asawa dahil wala silang pera para tuluyang maka-arangkada sa kampanya.
“Super nilang bait, super down to earth ng buong pamilya. Akala mo nakaka intimidate pero lahat sila as in lahat sila super bait!!! Most important is the wisdom they shared and continue to share with us. We are so grateful,” dagdag pa ni Mariel.

Sinabi rin ng misis ni Robin na talagang nagpapasalamat sila kay PGMA at sa kanyang pamilya. Isinama ni Mariel sa post na ito ang ilang larawang kuha sa kanilang pananatili sa Balesin. Nagbahagi rin si Robin ng post ng pagpapahalaga para sa mga Arroyo.
“Maraming maraming salamat po sir atty FG at madame PGMA sa pagiging aming patron.
Napakaligaya po namin pati ang aming mga anak kapiling po kayo kasama ang inyong anak at mga apo. Napakagaling din po mag alaga ng inyong staff. Mabuhay po kayo ng inyong pamilya at ang sampo ng inyong kasama,” ayon pa sa bagitong senador.
Related article: