Willie Revillame opisyal nang pumirma sa AMBS

Opisyal nang pumirma ang game show host na si Willie Revillame sa AMBS at malapit narin siyang magkaroon ng programa sa bagong network.

Sa kabila ng pagiging komedyante ni Kuya Wil ay mas higit pa siyang minamahal ng marami dahil sa pagiging isang host na nakakapagbigay sa mga taong nangangailangan. Dati na siyang may game show sa Kapamilya network pero dahil sa ilang isyu ay nagdesisyon siyang umalis at lumipat sa Kapuso network.

Ipinalabas naman noong nakaraang Pebrero 11, 2022 ang huling episode ng kanyang show sa GMA. Ito ay isang emosyonal na pamamaalam sa lahat, lalo na sa kanyang mga manonood. Ang pagtatapos ng sikat na variety show ay ikinalungkot ng marami. Natapos na din kasi ang kontrata ni Kuya Wil at hindi na niya ito ipinagpatuloy pa.

Credit: Wowowin/Youtube

Pero kamakailan lang ay kumpirmadong pumirma ng kontrata si Kuya Wil sa isang bagong network. Pumirma siya sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS). Nangangahulugan lamang ito na hindi lang siya ang babalik sa ating mga telebisyon kundi pati na rin ang kanyang game show.

Sinabi ni Maribeth Tolentino, ang presidente ng AMBS, na wala pang opisyal na posisyon o titulo ang show ni Kuya Wil sa kanilang network. Ayon sa ulat ng PEP, priority nila sa ngayon ay mabigyan ng trabaho ang mga taong nawalan nito nang magsara ang ABS-CBN network.

Gusto rin nilang tanggapin ang iba pang personalidad na naghahangad na magkaroon ng puwesto sa industriya ng broadcasting.

Ang AMBS ay pagmamay-ari ni Manny Villar. Ito ay pinagkalooban ng National Telecommunications Commission (NTC) ng karapatan na gamitin ang mga frequency na ginagamit ng ABS-CBN bago pa ito tinanggihan na makapag-renew ng kanilang prangkisa. Nabigyan naman ang AMBS ng 25-year franchise para mag-operate at gagamitin nila ang channel 16.

You may also like:

Share this article
Erie Swan