Legal team ni Maggie Wilson nagbabala sa kampo ni Victor Consunji

Nagbabala ang legal team ng dating beauty queen at host na si Margaret “Maggie” Nales Wilson-Consunji laban ginawa ni Victor Consunji sa kanilang kliyente.

Nauna nang ibinahagi ni Maggie ang isang video kung saan may mga taong pilit na pumasok sa kanilang tahanan. Iligal diumano ang ginawa ng mga ito, kaya naman tinawag niya ang atensyon ng lokal na pamahalaan at iba pang awtoridad na may kinalaman upang pagtuunan ito ng pansin.

Ang mga taong diumano’y iligal na pumasok sa kanyang tahanan nang walang abiso, walang warrant, at walang maayos na papeles ay ang mga tao mula sa Victor Consunji Development Corporation (VCDC) at DMCI. Ang VCDC ay isang kumpanyang pag-aari ng kanyang asawa.

Ang pagpasok sa kanilang tahanan ay hayagang pagpapakita rin daw ng kapangyarihan at impluwensya.

At ngayon ay may inilabas na pahayag tungkol sa nasabing pag-uusig mula sa legal camp ng dating beauty queen kasama ang mga signatories ng Managing Partner ng Divina Law na si Atty. Angelica Mae Destajo, Atty. Joseph Lorenz Asuncion, Atty. Nilo Divina, Atty. Lorenzo Luigi Gayya, Atty. Mikko Angela Axalan-Pocio, Atty. Shaina Marie Santos, at Atty. Estrella Elamparo.

Narito ang bahagi ng statement ng Divina Law:

“This harrowing incident has caused severe trauma and humiliation to the occupants of the house, as well as Ms. Wilson. Their security and privacy were invidiously violated, leaving them to fear for their lives and safety.”

It is public knowledge that Ms. Wilson is estranged from her spouse, Mr. Victor Consunji, the Chief Executive Officer of VCDC. Such estrangement, however, does not and cannot justify the malevolent act of harassment and persecution against his wife and her family. Whatever personal issues Mr. Consunji has against his spouse is not a license to trample upon her honor and dignity and inflict fear upon her and her family.”

Credit: Maggie Wilson/Instagram

Sina Victor at Maggie ay may isang anak na lalaki. Sa isang statement na inilabas tungkol sa kanilang hiwalayan ay sinabi ng dalawa na ang kanilang paghihiwalay ay ginawa sa isang mapayapang paraan. Idinagdag pa nito na nanatili silang magkaibigan, gayunpaman, sa mga kasalukuyang kaganapan na nangyayari sa ngayon ay tila kabaligtaran lamang ito.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.