Seth Fedelin at Francine Diaz nakaramdam ng “awkwardness” sa kanilang bagong loveteam

Ang dating Kadenang Ginto co-stars na sina Seth Fedelin at Francine Diaz ang pinakabagong love team na inaabangan ng mga fans.

Ang mga Kapamilya stars nga ay co-stars sa dating hit series at kasama sa Gold Squad. Hindi sila pinagtambal noon pero ngayon ay sila na ang pinakabagong love team ng ABS-CBN. Sa nakaraang artikulo ay nagpahayag ng suporta sa kanila si Andrea Brillantes, ang dating ka-love team at girlfriend ni Seth.

Si Francine at Seth na mas kilala sa tawag na “FranSeth” ay magkakaroon ng teleserye na pinamagatang “Dirty Linen.” Makakasama nila sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo. Ang serye ay ididirek nina Andoy Ranay at Onat Diaz.

Credit: Seth Fedelin/Instagram

Ngunit ano nga ba ang nararamdaman ng dalawa sa kanilang panibagong team up?

Ayon sa report ng ABS-CBN, aminado ang Franseth na noong una ay awkward. Dati silang apat sa isang grupo at sa bago nilang set-up ay para diumanong bago ang lahat dahilan ng pagkakaroon ng kaunting awkwardness sa pagitan nila.

Ayon kay Seth, “Para sa akin… sa aming dalawa, parang awkward. Konting awkwardness kasi syempre nakasanayan na namin, two years… almost three na apat kami, hindi lang kaming dalawa ni Francine.”

Sumang-ayon naman si Francine sa sinabi ni Seth at idinagdag niya na “awkward in a good way” dahil magkaiba kasi sila ng partner noon.

You may also like:

Share this article
Erie Swan