Buong detalye ng kasalang Hidilyn Diaz at Julius Naranjo, alamin

Noong nakaraang Oktubre 16, 2021 ay tinanggap ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang alok na kasal ng kanyang long-time partner at conditional coach na si Julius Naranjo. Ayon kay Hidilyn, ginulat daw siya ni Julius nang akala niya ay pupunta lamang sila sa Sheraton Manila para mag-triple date kasama ang mga aktres na sina Precious Lara Quigaman at Iza Calzado.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Tinanong ng Guamanian weightlifter ang pinaka-imporatanteng tanong kay Hidilyn gamit ang isang custom-made engagement ring na nagtatampok ng barbell na may brilyante sa ibabaw. Ang naturang weightlifting-inspired na singsing ay nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Isang taon matapos nilang makuha ang unang Olympic gold medal sa bansa, sina Hidilyn at Julius ay nakatakdang magpakasal sa Baguio City sa Hulyo 26. Ibinunyag ito ng Pinay champ habang ipinost ang kanilang prenuptial photos sa social media noong Hulyo 15, na kuha ng Mayad Studios.

“Mag-iisang taon na pala ang pagpapanalo natin ng Gold medal sa Olympics, at ngayon July 26, 2022, magpapakasal na kami ni Julius Irvin Hikaru T. Naranjo,” maligayang pagbabalita ni Hidilyn sa publiko.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Ang kasal nina Hidilyn at Julius ay gaganapin sa St. Ignatius Church sa PMA Baguio sa Hulyo 26, 2022. Ang beteranong fashion designer na si Francis Libiran ang nagdisenyo ng wedding gown at barong outfits ng dalawa. Ang araw ng kanilang kasal ay siya ring unang anibersaryo ng kanilang pagkapanalo ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Susundan ito ng reception sa Baguio Country Club. Ngayong darating na Hulyo 24 ay magsisidatingan na ang iba pang bisita para sa welcome party, lalo na ang pamilya nina Julius mula sa Guam at Hidilyn mula sa Zamboanga. Ito ay gaganapin sa Mount Costa.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Ayon sa ulat, labing siyam na pares ang principal sponsors, sa pangunguna nina dating Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao. Kasama rin sa mga ninong at ninang ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Virgie Ramos, Manny V. Pangilinan at Dra. Vicki Belo.

Credit: Mayad Studios/Instagram

Dadalo din ang aktres na si Angel Locsin bilang Matron of Honor, Iza Calzado bilang isa sa mga bridesmaids at ang newscaster na si Atom Araullo bilang isa sa sa mga groomsmen.

Ang mga larawan ng mag-asawa ay kuha sa tatlong lokasyon: ang Stronghold Athletics gym, Northern Blossom Flower Farm, at Baguio Country Club.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.