Inihayag ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kung sino ang kanyang paboritong beauty queen.
Bago manalo si Celeste sa Miss Universe Philippines noong Abril ay naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Earth 2018 na ginanapdito sa bansa. Nakapasok siya sa Top 8.

Sa nakaraang artikulo ay ibinunyag ni Celeste na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang nagkumbinsi sa kanya na sumali sa nasabing pageant. Sinabi niya na una niyang naisip na sumali sa MUPH sa susunod na taon ngunit hinikayat siya ni Rabiya na sumali sa taong ito.
Sinabi rin ng Fil-Italian beauty queen na nagbigay din ng payo sa kanya ang Kapuso star at ito ang best advice na nakuha niya.
Sa kanyang pinakaunang vlog sa YouTube na pinamagatang “Get To Know Me…More!!!” na-upload noong Hulyo 15 ay sinagot ni Celeste ang maraming tanong mula sa kanyang mga tagasuporta. Kasama rito ang beauty queen na kanyang tinitingala?
Mabilis na sagot ni Celeste, “I would say Pia Wurtzbach, like, she’s my ultimate favorite.” Ibinahagi rin niya na naging inspirasyon niya si Pia nang pasukin niya ang mundo ng pageantry.

Sinabi ni Celeste na dahil sa kanyang ina na tubong Bicol na si Maria Luisa Rabimbi ay nakilala niya si Pia.
Ayon sa kanya, “I told this story so many times, but I remember in 2015, when she won, I was living in Italy and I didn’t know anything about pageantry. And my mom was going crazy because the Philippines won, Pia Wurtzbach won. She came into my room with a photo of Pia Wurtzbach.”
Ayon kay Celeste, namangha siya sa naging performance ni Pia sa Miss Universe kaya na-inspire siyang pasukin din ang mundo ng pageantry.
Naging host ng grand coronation night si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, kasama ang kanyang kapwa Miss Universe titleholders na sina Iris Mittenaere ng France at Demi-Leigh Tebow ng South Africa.
Si Celeste ang kakatawan sa bansa sa Miss Universe 2022.