Ricci Rivero ipinagmalaki ang GF na si Andrea Brillantes sa TikTok

Proud na iflinex ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons basketball star player na si Ricci Rivero ang kanyang girlfriend na si Andrea Brillantes sa Tiktok.

Naging opisyal na magkarelasyon sina Andrea at Ricci matapos mag-propose ang basketball player sa Kapamilya star sa UAAP game na ginanap sa MOA Arena.

Nag-viral sa social media ang video clip ng kanyang proposal. Unang napabalitang may romantikong relasyon ang dalawa noong Pebrero nitong taon matapos silang makita sa isang restaurant sa Taguig.

Mas lalo pang pana-init ni Andrea ang tsismis na may namamagitan sa kanila ni Ricci nang mag-post siya sa social media na suot ang kanyang jersey.

Credit: Andrea Brillantes/Instagram

Nagbakasyon rin ang celebrity couple sa Siargao island noong Mayo. Ito ang kanilang unang beach trip bilang mag-dyowa. Ibinahagi ni Andrea ang sunud-sunod na larawan mula sa kanilang beach getaway. Lumahok din sila sa isang beach clean-up drive.

Kamakailan lang ay nag-upload si Ricci ng bagong video sa TikTok at agad itong nag-viral. Ang kanyang video ay naghatid ng kilig sa kanyang mga tagahanga.

Dedicated sa kanyang girlfriend na si Andrea ang post. Sa video clip ay pinagsama-sama niya ang mga magagandang larawan ng kanyang girlfriend. Kasama rin dito ang isang napakagandang pic nilang dalawa na magkasama noong MEGA Ball 2022.

Ayon sa caption ni Ricci: “Tryna see if red hair suits me.”

@riccipaolorivero

tryna see if red hair suits me 🤷🏻‍♂️ #fyp #foryou #fypシ

♬ Shootout – Izzamuzzic

Sa kasalukuyan ay meron nang 1.3 million views ang video na ito ni Ricci sa Tiktok.

Related article:

Share this article
Erie Swan