AJ Raval, kumpirmadong buntis ayon kay Cristy Fermin: “Ipupusta natin ng siyento porsyento”

100 percent sure daw ang beteranang showbiz reporter na si Cristy Fermin sa balitang nagdadalang-tao ang sexy actress na si AJ Raval.

Sa nakaraang artikulo ay ibinunyag ng beteranong action star na si Jeric Raval na nagmamahalan ang kanyang anak na si AJ at ang rumored boyfriend nito na si Aljur Abrenica. Inamin daw sa kanya ni Aljur na mahal nito ang kanyang anak at hangga’t nananatiling magalang ang kanilang relasyon at wala silang ginagawang masama sa sinuman ay suportado daw niya ito.

Credit: AJ Raval/Instagram

Pero nitong Hunyo ay lumabas sa social media ang tsismis tungkol sa pagbubuntis ni AJ. Nilinaw ito ng kanyang kampo at sinabing hindi siya buntis. Abala daw ang aktres sa paggawa ng mga proyekto at itinanggi na totoo ang tsismis.

Muling umusbong ang tsismis na ito at sa pagkakataong ito ay kinumpirma nga ni Cristy sa kanyang showbiz vlog sa Youtube na totoo ang mga tsismis at sinabing sigurado na siya rito. Ibinunyag daw ito ng isang mapagkakatiwalaang source niya na malapit sa aktres.

Ayon kay Cristy, “Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

Credit: Showbiz Now Na/Youtube

Naniniwala siya na si Aljur ang ama ng ipinagbubuntis ni AJ at idinagdag na sana ay hindi sila sampahan ng kaso ni Kylie Padilla dahil kasal pa rin ito sa papel kay Aljur. Idinagdag din ni Cristy na ang pagbubuntis ni AJ ang dahilan kung bakit hindi niya naipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan na niya.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya iyong pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang itong batang ito,” dagdag pa ni Cristy.

Credit: Facebook

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring reaksyon ang kampo ni AJ tungkol sa isyu.

Related article:

Share this article
Erie Swan