AJ Raval itinangging buntis, nagpositibo lang daw sa COVID-19

Muling itinanggi ng kontrobersyal na aktres na si AJ Raval na siya ay buntis ngunit ibinunyag na nito na nagpositibo siya sa COVID-19.

Kasalukuyang may relasyon ang controversial sexy star sa aktor na si Aljur Abrenica. Sa nakaraang artikulo ay sinabi ng beteranang showbiz reporter na si Cristy Fermin na 100 porsiyento siyang sigurado na buntis ang VIVA artist at si Aljur ang ama.

Ang mga bulong-bulongan sa apat na sulok ng showbiz tungkol sa kanyang pagbubuntis ay dati nang nagliyab sa social media ngunit mabilis itong itinanggi ng kanyang kampo.

Ilang buwan narin itong pinagpiyestahan ng mga netizens online ngunit wala pa rin makapagpatunay na totoo ito kaya naman nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Cristy.

Ayon sa kanya, “Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng siento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.” Kinumpirma diumano ito ng kanyang mapagkakatiwalaang source.

At ngayon, sa gitna ng muling kumakalat na tsismis ay muling pinabulaanan ng aktres ang mga paratang. Kasabay ng kanyang pagtanggi ay ang paghahayag na nagpositibo siya sa COVID-19. Isa sa mga co-artist niya ang nagpositibo rin sa nasabing virus base sa ulat ng PEP.

Muling umusbong ang tsismis tungkol sa kanyang pagbubuntis nang ilabas ni Cristy ang balita noong Hulyo 19. Inamin daw mismo ito ni AJ sa kanyang source.

“Umamin si AJ sa ating source, umamin na nagdadalang-tao siya,” dagdag pa niya.

Hinamon pa niya si AJ na harapin ang mga tao sa isang live interview kung saan makikita nila ang kanyang katawan at nang makumpirma na hindi nga siya buntis. Ngunit binanggit din ni Cristy na kung totoo man na nagdadalang-tao ang sexy actress ay karapatan ng kanyang mga tagaha na malaman ito bilang pagtanaw niya diumano ng utang na loob sa kanilang pagsuporta sa kanyang career.

Samantala, ang kanyang upcoming film na Us X Her kasama sina Kiko Estrada at Angeli Khang ay nag-pack up nang maaga kaysa sa naka-schedule na mas lalong nagpatindi sa mga tsismis tungkol sa kanyang pagbubuntis. Gayunpaman, wala pang tumanggi o nagkumpirma sa mga tsismis at tatapusin naman daw ng aktres ang paggawa ng nasabing pelikula.

Related article:

Share this article
Erie Swan