Andrea Brillantes, masama nga ba ang loob sa FranSeth loveteam?

Maliwanag ang future ng Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na dati nang magka-loveteam. Minsan din naging sila sa totoong buhay ngunit hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Noong nag-break sila ay nabuwag din ang kanilang loveteam.

Credit: Kiko Escuadro/Youtube

Sa isang nakaraang artikulo ay walang pinagsisihan si Seth sa kanilang naging relasyon. Nagpapasalamat din si Seth kay Andrea at kung mayroon daw isang bagay na gusto niyang gawin ng dating karelasyon ‘yun ay ang pagiging maingat bago gawin o sabihin ang isang bagay. Naniniwala din si Seth na isang empowered woman si Andrea at alam niyang malalampasan nito ang mga pagsubok na dumarating sa kanya.

May bagong ka-loveteam ngayon si Seth – ang kanilang Squadmate na si Francine Diaz. Medyo awkward nga lang daw sila sa partnership nila noong una.

At sa bagong team up na ito, ano naman kaya ang masasabi ni Andrea sa bagong love team ng FranSeth?

Sa isang panayam ay ibinahagi ng Kapamilya star na alam niyang mangyayari ito. Hindi siya tutol dito at sa sa katunayan ay masaya daw siya dahil sa wakas ay nagkatotoo na ang wish ng mga fans ng FranSeth.

Ayon kay Andrea, “As in wala akong any ill feeling sa kanila both and ayun sana maging masaya. And alagaan niyo si Xyriel kasi kasama niyo ang beshywap ko si Xyriel.”

Credit: Solid FranSeth/Instagram

Wala naman nararamdamang masama si Andrea o ano pa man. Masaya daw siya para sa FranSeth at natutuwa siya para sa kanilang bagong proyekto.

Watch the full video here:

Samantala, kamakailan lang ay nagpost ang nobyo ni Andrea na si Ricci Rivero ng Tiktok video kung saan ipinagmalaki nito ang kanyang nobya. Ang video sa kasalukuyan ay mayroon nang 2.3 million views.

Related article:

Share this article
Erie Swan