AJ Raval, pangalawang beses na nga bang nagbuntis?

Ang napapabalitang pagbubuntis ng aktres na si AJ Raval ang isa sa mga mainit na pinag-uusapan sa showbiz nitong mga nakaraang araw. At ang mas nakakagulat ay ang balitang pangalawang anak na raw ito ng sexy actress.

Sa gitna ng isyu ay nilinaw ni AJ na hindi siya buntis. Gayunpaman, pinasinungalingan ng beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang programa ang pahayag ng aktres na nagpositibo lang siya sa COVID-19 kaya umalis siya sa set ng bago niyang pelikula nang hindi tinapos ang shoot.

Samantala, sa isang Showbiz Update vlog kamakailan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ay napag-usapan ang mainit na paksang ito tungkol kay AJ. Sabi ni Ogie, kung totoo nga ang tsismis na ito, ay hindi naman ito nakakagulat dahil babae si AJ at may kapasidad siyang magbuntis.

Credit: Ogie Diaz/Youtube

Pagkatapos, tinanong ni Mrena, isa sa mga co-host, si Ogie kung bakit kailangang ilihim ni AJ ang kanyang unang pagbubuntis. “Marites na Marites naman ‘tong si Mrena,” natatawang reaksyon ni Ogie. Dagdag pa niya, may choice din si AJ na huwag ihayag ang personal na nangyayari sa kanyang buhay. Maaari rin aniyang ikatwiran ng kampo ni AJ na pinili nilang itago ang bahagi na ito ng pribadong buhay ng aktres.

Tanong ni Mama Loi “meron nga ba?” Sumagot si Ogie ng “meron daw.” Sinabi rin ng talent manager na kung itatagong muli ni AJ ang ikalawang pagbubuntis nito ay dapat maunawaan siya ng mga tao.

Dagdag ni Ogie, “Kasi kung itago man ito ni AJ Raval, di na ito first time, second time around niyang gagawin, if ever it’s true.”

Sa kasalukuyan ay wala pang bagong reaksyon ang kampo ni AJ tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Related article:

Share this article
Erie Swan