Ella Cruz to Pokwang: “Bakit mas mabuti pa si Tita Agot?”

Sa isang panayam kamakailan sa YouTube Channel ng King of Talk na si Boy Abunda ay ibinahagi ng controversial young actress na si Ella Cruz na nangyari ang kanyang kontrobersyal na pahayag na “History is like tsismis” sa isang panayam para sa ibang pelikula.

Aniya, noong panahong iyon, hindi pa niya natatanggap ang script para sa “Maid in Malacanang.” Sinabi ni Ella na may screen record siya ng nasabing interview dahil tinanggal na ito ng news outlet na naglabas ng kanyang controversial statement.

Credit: Boy Abunda/Youtube

Nang tanungin siya kung nasaktan ba siya nang marinig ang mga negatibong komento mula sa kapwa celebrities dahil sa kanyang pahayag ay hindi napigiling umiyak ni Ella. Tungkol sa nasabi ni Pokwang ay ito ang naging tugon niya, “Hindi ko po inasahan na masasabi niya ‘yun. Naging nanay ko po kasi siya e. Even though 10 years ago. Ok lang ‘yung isang tweet pero tatlo po kasing nakita ko eh.” Nagkasama sa teleseryeng “Aryana” ng ABS-CBN ang dalawa.

Sinabi ni Ella na ang pangalawang tweet ni Pokwang tungkol sa kanya ay “OA” na at “below the belt.” Ipinunto rin ng young actress na pwede naman sanang nag-message sa kanya si Pokwang at ang isang writer ng “Aryana” hinggil sa isyung ito dahil hindi niya talaga inaasahan na makakatanggap siya ng masasakit na salita mula sa kanila.

Credit: Ella Cruz/Instagram

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang sabihin sa Kapuso comedienne ay sinabi ni Ella na, “wala na lang po.”

Tinanong din ni Tito Boy si Ella tungkol sa naging tweet naman ng character actress na si Agot Isidro. Sinabi ng young actress na ikinagulat niya ito dahil pagkatapos nilang magkatrabaho ay wala na silang komunikasyon ni Agot.

Sa kabilang banda, para kay Ella, ang reaksyon ni Agot ay hindi gaanong masakit kumpara sa natanggap niya mula sa isang taong itinuturing niyang ina.

Ayon sa kanya, “Pero nung nakita ko yung kay Mamang sabi ko, ‘Bakit mas mabuti pa si Tita Agot?’ Na parang she’s just trying to save me. Wala siyang sinabing masama. Sinabi niya lang na sana nag ‘no comment’ ka na lang pero mahal kita,” paliwanag ni Ella.

Credit: Agot Isidro/Instagram

Sa huli ay nagpasalamat naman si Ella sa mga taong nagtanggol sa kanya sa gitna ng kinasangkutan niyang kontrobersiya.

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.