Vice Ganda nagparinig nga ba kay Bayani Agbayani?

May conflict ba sina Vice Ganda at Bayani Agbayani?

Nagkaroon kasi ng nakakaintriga na pahayag ang Unkabogable Star sa isang kamakailang episode ng “It’s Showtime” at umani ito ng espekulasyon na sinadya ito ng komedyante bilang tugon sa umano’y “parinig” ng LOL host na si Bayani.

Kung maaalala ay back-to-back airing na ang noontime shows ng Kapamilya at Kapatid network at nagsimula na ito noong Hulyo 16. Napapanood na ang It’s Showtime sa TV5 pagkatapos ng time slot ng sarili nitong noontime show na Lunch Out Loud, kung saan isa si Bayani sa mga host.

Base sa artikulo ng Balita, sa kamakailang episode ng Kapamilya noontime show ay may binanggit si Vice tungkol sa isang taong nag-“pagpaparinig.”

Ayon sa kanya, “Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha? May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig? Hindi ka naman kasali.”

Sa Facebook post ng user na si Sena Zaki ay makikita sa video na diumano’y “pagpaparinig” ni Bayani at sinundan ito ng sagot ni Vice. Kuwento ni Bayani, kinukumusta niya ang kanilang direktor at ang staff ng show dahil hindi naman sila nag-overtime o lumampas sa oras na nakalaan sa kanilang show.

Ipinakita sa ikalawang bahagi ng video ang nakakaintriga na pahayag ni Vice tungkol sa mga taong nakikialam sa mga isyu kahit hindi sila kasali.

Bago ang pahayag ni Bayani tungkol sa “overtime,” ilang fans ng It’s Showtime ang humiling sa social media na palawigin pa sana ang oras na nakalaan para sa “It’s Showtime.”

Sa isang video na ibinahagi sa Twitter ay makikitang sinabi ng mga host ng Kapamilya noontime show na off the air na sila sa TV5 kahit na ginagawa pa nila ang “Tawag ng Tanghalan” segment. Kaya naman pabirong nag livestream sa Facebook ang isa sa mga host na si Jhong Hilario para kunyari ay patuloy pa rin ang airing ng programa.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.