Carla Abellana balak maghiganti kay Tom Rodriguez

Hindi pa ba tapos ang hidwaan ng dating mag-asawa na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana? Nangangalap diumano ng mga ebidensya si Carla laban sa dating asawang si Tom.

Kasunod ng kumpirmasyon na hindi na legal na kasal sina Tom at Carla, kahit papaano ay humupa na ang mga isyu. Gayunpaman, kamakailan lamang, muling naalala ng mga netizens ang kanilang kontrobersyal na breakup.

Sa isang panayam kamakailan, tinanong tungkol dito ang ama ni Carla, ang batikang aktor na si Rey PJ Abellana. Aniya, kahit hiwalay na sina Tom at Carla ay umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila dahil sa marriage vow nila noong sila ay ikinasal.

Credit: Philstarlife/Instagram

Inamin din ni Rey na hindi pa niya nakakausap si Carla simula nang magsimula ang isyu. Kung maaalala, ang batikang aktor ay gumawa ng mga nakakagulat na rebelasyon tungkol kina Tom at Carla na kalaunan ay binawi rin niya. Nagalit diumano ang kanyang anak sa sinabi nito tungkol sa isyu sa pagitan nilang dalawa.

Sa isang Showbiz Update vlog kamakailan ng talent manager na si Ogie Diaz ay ibinunyag niya na sinabi ng kanyang source na nangangalap ng ebidensya si Carla laban sa diumano’y pambababae ni Tom.

Ayon kay Ogie, “Gina-gather daw ni Carla ang lahat ng impormasyon, yung magiging mabigat ang kanilang ebidensya laban kay Tom.”

Credit: Ogie Diaz/Instagram

Tapos, tinanong ni Mama Loi, ang co-host ni Ogie, kung totoo bang nangangalap din si Carla ng impormasyon tungkol sa sinasabing babae ni Tom sa Cebu.

“Yun din ang nabalitaan ko,” sagot ni Ogie, at sinabing hihintayin nila ang resulta pero nabalitaan niyang walang nangyari sa Cebu noon.

Ibinahagi rin ni Ogie na ibinunyag ng kanyang source na maraming pagkakataon na nagkakasakitan diumano physically sina Tom at Carla. Pinipigilan lang daw sila ng mga kaibigan nila kapag nangyari ang ganitong sitwasyon.

Samantala, sa kabila ng mga ingay ng balitang hiwalayan ay isang beses lamang nagsalita si Carla tungkol sa isyu.

Related articles:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.