Pokwang nag-react sa pagkumpara sa kanya kay AiAi Delas Alas

Ibinahagi ng Kapuso comedienne na si Pokwang ang kanyang mensahe sa mga taong ikinukumpara siya sa Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

Parehong nasa ABS-CBN sina AiAi at Pokwang bago pa man sila lumipat sa Kapuso Network. Bagama’t nasa iisang TV network na sila, kumbaga, may mga fans pa rin na ikinukumpara sila sa isa’t isa. Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ni Pokwang ang kanyang saloobin tungkol dito.

Credit: Pokwang/Instagram

Base sa video na ipinost sa website ng GMA Entertainment para sa “Sarap Di Ba?” ay hiniling si Pokwang na mag-react sa pagkukumpara sa kanya kay AiAi. Gumagawa daw ng intriga ang mga marites sa pagitan niya at ng Comedy Concert Queen.

Para sa “tanong ng bayan” ay tinanong si Pokwang kung sino ang “mas magaling” sa kanilang dalawa. Ayon naman sa TiktoClock, “Magaling si Ms. AiAi.” Binigyang-diin ni Pokwang na ito ang dahilan kung bakit tinaguriang “comedy queen” si AiAi.

Ayon kay Pokwang, “Alam niyo na ‘yan. Meron kaming kanya-kanyang katangian na sinusunod ng aming mga followers na ikinatutuwa namin.” Dagdag pa niya, hindi magiging AiAi si AiAi kung hindi siya magaling sa kanyang ginagawa at hindi rin siya magiging Pokwang kung wala siyang alam.

Credit: AiAi Delas Alas/Instagram

Kung maaalala ay ibinahagi ng singer na si Audie Gemora ang isang post sa social media na naghahambing sa dalawang komedyante noong panahon ng eleksyon. Mas nakakatawa at mas matalino daw si Pokwang kaysa kay AiAi ayon kay Audie. Sinagot naman ito ng comedy queen sa magandang paraan.

Sina Audie at Pokwang ay sumuporta kay dating Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo habang si AiAi ay sumusuporta naman kay President Bongbong Marcos, Jr.

Sa pamamagitan nito ay nagsimula nang lumitaw ang isang isyu. May alitan umano ang dalawang Kapuso stars. Gayunman, iginiit ni Pokwang na walang problema sa kanilang dalawa. Madalas diumano silang magkita sa studio ng Kapuso musical variety show na All-Out Sundays.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si AiAi tungkol dito.

You may also like:

Share this article
Erie Swan