Hidilyn Diaz nakatanggap ng prenup agreement mula sa nobyong si Julius Naranjo

Nakatanggap ng prenuptial agreement ang Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz mula sa kanyang magiging asawa at narito ang buong detalye.

Ang kasal nina Hidilyn at ng kanyang coach na si Julius Naranjo ay magaganap sa parehong araw na nakamit niya ang gintong medalya. Ang seremonya ay gaganapin sa Hulyo 26, sa St. Ignatius Church sa Baguio City. Ang petsang ito ay eksaktong isang taon pagkatapos ng makasaysayang kaganapan sa weightlifting career ni Hidilyn at ng Pilipinas.

Pinag-usapan na rin sa social media ang listahan ng kanilang star-studded wedding entourage. Kabilang sa principal sponsors si dating vice president Leni Robredo na ngayon ay ang Angat Buhay NGO chairperson.

Credit: Karen Davila/Instagram

Ang iba pang malalaking pangalan na nakita ay kinabibilangan ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao, Teresita Tan Sy-Coson ng SM Investments Corporation, sports and business tycoons Manny V. Pangilinan at Ramon S. Ang, PBA chair Ricky Vargas, Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, at marami pang iba.

Inaasahan ding dadalo sa event ang mga artistang sina Iza Calzado bilang bridesmaid, Angel Locsin bilang matron of honor at Judy Ann Santos-Agoncillo bilang principal sponsor.

At kamakailan lang, sa isang panayam ni TV broadcaster na si Karen Davila ay inamin ng mag-asawa na inalok ni Julius si Hidilyn na pumirma sa isang prenuptial agreement. Ayon kay Julius, ito lang ang naisip niyang paraan para patunayan na hindi niya hinahangad ang yaman o materyal na pag-aari ng kanyang magiging asawa. Ito ang paraan na mapapatunayan niya na malinis ang kanyang intensyon na pakasalan si Hidilyn.

Credit: Karen Davila/Instagram

Naging magkarelasyon sina Hidilyn at Julius apat na taon na ang nakalilipas. Siya ang kanyang strength and conditioning coach. Si Julius ay isang Filipino-Japanese weightlifter, sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017. Dahil sa pangyayaring ito ay nakilala niya si Hidilyn at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Agad siyang naakit noon sa dalaga. Medyo mahirap ang pagiging coach at partner ni Hidilyn all at the same time, inamin niya. Nararanasan at nasaksihan niya kasi ang lahat ng pinagdaanan ng nobya.

Watch the full interview here:

Ngunit higit sa lahat ay pinananatili ni Julius ang moral at emosyonal na paghihikayat sa nobya. Ito daw ang mga bagay na binibigyan niya ng lubos na kahalagahan bilang isang coach at nobyo ni Hidilyn.

Related article:

Share this article
Erie Swan