Inaasahan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang isang pasabog na magmumula sa Queen of All Media na si Kris Aquino ngayong darating na Agosto 3.
Ang nasabing petsa ay nakatakdang maging worldwide premiere ng pelikulang “Maid In Malacanang” mula sa Viva Films at Vincentiments na isinulat at idinirek ng kontrobersyal na si Darryl Yap. Sa pelikula ay ipapakita ang huling 72 oras ng mga Marcos sa Palasyo batay sa pananaw ng pamilya at pananaw ng mga kasambahay.

Alam ng marami na ang mga Marcos at Aquino ay may matagal nang hidwaan sa kasaysayan ng pulitika sa bansa. Dahil dito ay inaasahan ni Cristy at ng kanyang Showbiz Now Na co-hosts na sina Morly Alinio at Romel Chika na sasalungat si Kris sa ingay na gagawin ng “Maid In Malacañang” premiere.
Sinagot din ni Cristy ang mga tanong ng mga netizens kung bakit ganoon na lamang katahimik ang dating presidential daughter ngayon.
Ayon sa kanya, “Ano sa palagay mo, August 3, and showing ng Maid in Malacañang, sa palagay mo anong magaganap?”

Pagkatapos ay pinaalalahanan ni Cristy sina Romel at Morly sa dati nilang pag-uusap na sabay silang manonood ng pelikula. Hihintayin din daw nila ang “pasabog” ni Kris. “Abangan natin kung ano namang gagawin na maid in something ni Kris Aquino.”
May mental health condition din na ibinahagi si Cristy. “Tandaan po natin, histrionic personality disorder. Ito po ‘yung mga taong sa anumang paraan, hindi sila papayag na madaig sila o makabog ng kahit sino,” pagtatapos pa niya.
Related article: