Cesar Montano nag-react sa bayolenteng komento ni Joel Lamangan laban sa ‘Maid in Malacañang’

Nag-react ang premyadong aktor na si Cesar Montano sa bayolenteng reaksyon ng batikang direktor na si Joel Lamangan laban sa pelikulang “Maid in Malacañang”.

Ginagampanan ni Cesar ang karakter ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa nasabing pelikula sa ilalim ng Vincentiments at Viva Films. Bago pa man ang premiere night ng pelikula, nakakatanggap na ng mga negatibong reaksyon ang cast at ang produksyon.

Isa sa mga kilalang tao sa entertainment industry na bumatikos sa pelikula, na isinulat at idinirek ng kontrobersyal na si Darryl Yap, ay si Direk Joel na nagsabing handa siyang gumawa ng pelikulang magpapataob sa Maid in Malacañang. Pinuna rin ng batikang direktor si Direk Darryl partikular na ang eksenang may mga dalang sulo na mga anti-Marcos na sumugod noon sa palasyo.

Credit: Diego Loyzaga/Facebook

Sa gitna ng bashing na natatanggap ng mga cast ay sinabi ni Cesar na kinukunsidera niya ito bilang blessing. Base sa artikulo ng Abante ay sinabi ng aktor na ang mga batikos mula sa mga netizens ay nakakatulong sa kanilang paglaki.

Ayon sa kanya, “Ang masakit dun ‘yung puro magaganda lang naririnig mo. Hindi ka lalago non.”

Ibinahagi din ng batikang aktor na namangha siya sa anak na si Diego Loyzaga na gumanap sa karakter ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pelikula. Nag-react din si Cesar sa mga nag-iisip na ang pelikula ay isang uri ng “historical revisionism.”

Kung balak daw ng pelikula na pakintabin lang ang pangalan ng mga Marcos sa mata ng publiko ay sana hindi na niya sinabi ang linyang, “wala kang ginawa kundi mag-party!” na sinabi ng kanyang karakter sa karakter ni Diego.

Nang tanungin naman si Cesar tungkol sa reaksyon ni Direk Joel laban sa pelikula tungkol sa mga Marcos ay sinabi niyang nirerespeto niya ang opinyon ng beteranong filmmaker. Dahil dito, sinabi ng aktor na inaasahan din niyang igagalang ng direktor ang kanilang opinyon tungkol sa pamilyang Marcos.

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.