Barbie Imperial ibinulgar ang ex-bf na pinakananakit sa kanya

Isa sa mga artistang may makulay na buhay pag-ibig dahil sa bukas na buhay nito sa publiko ay si Barbie Imperial. Ang Kapamilya actress ay ang walang muwang na teen housemate mula sa reality show na Pinoy Big Brother. At sa harap mismo ng publiko ay nakita ng kanyang mga tagahanga ang kanyang paglaki.

Siya ay isang modelo at bumida sa iba’t ibang teleserye at pelikula. At isa sa mga bagay na nagpapanatiling abala sa kanya sa ngayon ay ang paggawa ng content para sa kanyang channel sa YouTube.

Credit: Barbie Imperial/Instagram

At ang kanyang pinakabagong video ay ang pagsagot sa mga tanong mula sa mga random na tao. Kasama sa mga tanong ang tungkol sa mga personal na bagay tungkol sa kanyang buhay kasama na ang kanyang buhay pag-ibig. Kagaya na lamang nang: “Sino ang ex-BF mo na pinakananakit sa’yo?”

Ibinunyag niya na kay Diego Loyzaga siya pinaka-nasaktan. Ang aktor ay ang kanyang dating nobyo at halos isang taon lang ang itinagal ng kanilang relasyon. Maaalalang sinabi ni Diego na may mga pinagdaanan silang yugto sa kanilang relasyon kung saan nagtatanong sila kung tama pa ba na sila pa rin ang magkasama.

Credit: Barbie Imperial/Instagram

Namuo ang hindi nila pagkakaunawaan na naging dahilan ng kanilang hiwalayan kung saan pareho nila itong sinang-ayunan.

At para naman kay Barbie, ang dahilan kung bakit si Diego ay dahil naplano na niya ang lahat sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ay ang aktor na ang makakasama niya habang buhay dahil nag-uusap na diumano sila ng kanilang plano para sa hinaharap. Ngunit sa kasamaang palad ay mabilis na natapos ang kanilang relasyon.

Ayon kay Barbie, ” Si Diego talaga. Siya ‘yung boyfriend ko na alam niya lahat about me. Akala mo siya na talaga. May mga conversations kayo about getting married, kung saan kayo titira, mga plans nyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience ‘yun.”

Watch the full vlog here:

Samantala, hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging totoo ni Barbie sa pagsagot sa mga tanong.

Narito ang ilang sa kanilang komento:

“Being honest person is the best weapon to fight all your burdens in life.like bie she’s very honest , lovable and down to earth person.good luck bie more projects to come…”

“Love the honesty, Barbie! Yan ang Q&A, walang halong showbiz!”

“Gusto ko talaga ang pagiging honest mo bie hehehe”

“Eto ang #1 idol ko babe nmin honest ang prangka talaga at pinakamaganda bata.collab kau ni em pls.advance HBD bie.”

“Gustong gusto kita Kasi sobrang ganda mo at sobrang honest mo pa. Patuloy ka lng na magpakabait at mag inspire pa ng maraming tao. More blessings and power to your YouTube channel.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.