Nagpasalamat si dating bise presidente Leni Robredo kay DSWD Sec. Erwin Tulfo para sa mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Isang lindol na may 7.3 magnitude ang naramdaman sa Abra na gumulat sa bansa. Ang malakas na intensity ay naramdaman din sa ilan pang bahagi ng Luzon. Ang sakuna na ito ay nag-iwan ng malungkot na pinsala sa mga apektadong lugar lalo na sa Abra, ang sentro ng lindol.
Nasira ang mga makasaysayang simbahan at gusali at maraming kalsada ang naiwang sarado dahil sa sirang semento na dulot ng malakas na pagyanig at ang resulta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol.
“Napakalakas, mas malakas kaysa dati” sabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. nang makausap siya ng mga mamamahayag ilang sandali matapos mangyari ang nakakagulat na lindol. Ayon sa kanya, naramdaman din ang lindol sa Malacañang dahil nagkakalansing ang mga chandelier. Indikasyon sa kanya na malakas ang pagyanig.
Gayundin, pinili ng Pangulo na huwag bumiyahe sa mga apektadong lugar dahil ayaw niyang maabala ang mga aksyon na ginagawa ng lokal na pamahalaan. Ngunit kapag nakakuha na diumano siya ng malinaw na senyales mula sa mga ito ay tiniyak niya sa mga tao na lilipad agad siya doon.
Pero isang public official ang nakarating kaagad sa lugar. Pumunta si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Abra Province at nag-survey. Ito naman ay napag-alaman ng dating bise presidente at Angat Buhay Chairman Atty. Leni Robredo at agad siyang nagpasalamat sa kalihim.
Ayon kay Robredo, “Thank you to DSWD Sec Erwin Tulfo for the quick response. This sense of urgency is very important in crisis situations. Not only does it ensure that govt resources will be readily available but will also assure those affected that they will be cared for.”
Thank you to DSWD Sec Erwin Tulfo for the quick response. This sense of urgency is very important in crisis situations. Not only does it ensure that govt resources will be readily available but will also assure those affected that they will be cared for.
— Leni Robredo (@lenirobredo) July 27, 2022
Samantala, ilang sandali matapos nanalanta ang lindol ay nag-tweet si Robredo ng kanyang pagkabahala sa ating mga kababayan sa hilaga. Pinapanatag din niya ang kalooban ng mga naging biktima ng lindol at sinabing nakipag-ugnayan na sila sa mga volunteer group sa mga apektadong lugar.
“Praying for everyone’s safety, especially our kababayans in the north who were most affected by the earthquake. We have been in close contact with our volunteer groups there already,” dagdag pa ni Robredo.
Praying for everyone’s safety, especially our kababayans in the north who were most affected by the earthquake. We have been in close contact with our volunteer groups there already.
— Leni Robredo (@lenirobredo) July 27, 2022
You may also like: