Ang controversial sexy actress na si AJ Raval at aktor na si Aljur Abrenica ay nahaharap sa mga kontrobersiya ng pagbubuntis, isang karagdagang isyu sa kanilang kontrobersyal na relasyon. Sa isang nakaraang artikulo ay hindi tinalikuran ni Cristy Fermin ang kanyang paninindigan na pagbubuntis ng aktres na diumano ay siguradong totoo ayon sa kanyang source.
Sa gitna ng mga tsismis ay isang video ang nag-viral sa social media kung saan ipinakita ng aktres ang kanyang seksing kurbada at tiyan nang walang anumang pahiwatig ng pagbubuntis. Ipinakita rin ni AJ, partikular na ang buong katawan niya sa isang Instagram live para patunayan na wala siyang anak sa sinumang lalaki.

Minsan nang itinanggi ng anak ni Jeric Raval na siya ay buntis at nang lumabas muli ang kuwento dahil sa rebelasyon ni Cristy ay muli niya itong itinanggi. At ngayon, kasunod ng IG live na ginawa ng VIVA actress kamakailan lang ay gumawa ng reaksyon si Cristy tungkol dito na makikita sa kanyang kamakailang programa.
Inakusahan niya si AJ na ini-enjoy diumano ang ‘libreng publicity’ dahil sa isyung ito na halatang pabor para sa kanya. Idinagdag pa niya na maaari namang gumawa ng isang press conference o isang panayam ang aktres para samantalahin ang sitwasyon kung saan pwede niyang itanggi ang mga isyu tungkol sa kanya na pinagpipiyestahan sa social media.
Ayon kay Cristy, “Nag-eenjoy po talaga siya dito sa kontrobersiyang ito.”

“Effortless, diba pinag-uusapan siya kahit wala siyang ginagawa,” sabi ng kanyang co-host na si Rommel Chika na sinang-ayunan naman ng manunulat. Isa pa sa isyung ipinagdiinan ni Cristy ay ang pagkakaroon diumano ng anak ni AJ noon pa.
Dagdag pa niya, “E hindi na po dun ang isyu ngayon. Bakit ba Rommel ganito ang unang tanong ng mga Marites, ‘E diba dati pa, may anak ka na, itinatago mo lang?’ ‘Yun po iyong ayaw mamatay-matay talaga, sa totoo lang. At tsaka maraming nagsasabi, ‘Ngayon lang ba siya naging preggy? Dati na siyang may anak, itinatago lang niya. So ano na naman ‘to, itatago mo na naman?’ Parang ganu’n.”
“Basta, magkaka-alaman din tayo balang araw,” matapang na tugon ni Cristy.