LOOK: Ang bonggang wedding proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza

Kasalukuyang trending sa social media ang engagement ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde at Kapuso actress na si Maine Mendoza. Unang ginawa ni Maine ang anunsyo sa kanyang Instagram page na may nakakatuwang caption para ibahagi ang panibagong milestone ng kanilang relasyon sa publiko.

Ayon kay Maine, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Credit: Maine Mendoza/Instagram

Si Arjo sa kabilang banda ay nagbahagi naman ng mga larawan ng kaganapang ito na sumasalamin sa “arjo, cutie” na manipestasyon ni Maine tungkol sa aktor ilang taon na ang nakakalipas mula nang ipinost ito noong parehong petsa ng kanilang engagement noong 2013.

“My turn, I will marry you cutie. ❤️ 07.28.22,” saad ni Arjo.

Credit: Maine Mendoza/Instagram

Samantala, sa isang nakaraang artikulo ay may ibinunyag ang aktor tungkol sa kung ano ang susunod para sa kanyang karera sa bilang isang artista matapos manalo bilang first district representative ng Quezon City noong nakaraang halalan. Aniya, hindi siya titigil sa paggawa ng mga proyekto habang ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad sa taumbayan.

Paliwanag ng aktor, “Iyan ang aking hanapbuhay. So, I can’t stop that. Of course, I have to prioritize specially this one, but of course hindi na mawawala sa akin ang pag-aartista.”

Credit: Maine Mendoza/Instagram

Ngunit ano na nga ba ang susunod sa kanyang personal na buhay, mas partikular na sa kanyang buhay pag-ibig ngayong papakasalan na niya si Maine? Iyan ang nasasabik na siguradong aabangan ng mga fans ng dalawa.

Credit: Arjo Atyde/Instagram
Credit: Arjo Atyde/Instagram

Ang petsa ng Hulyo 28 ay isang napakahalagang papel sa buhay nina Arjo at Maine. Ito kasi ang parehong petsa na nag-post si Maine ng “arjo, cutie” sa Twitter noong taong 2013. Ito rin ang parehong petsa ng kanilang unang pagkikita at ngayon, ito ang parehong petsa ng kanilang engagement.

Credit: Maine Mendoza/Instagram

Samantala, maging ang sikat na photographer na si Marc Nicdao ay nagbahagi rin ng video sa kanyang Instagram stories ng bonggang proposal. Kitang-kita sa video na naging emotional si Maine at hindi inaasahan na magpo-propose sa kanya si Arjo.

Credit: Marc Nicdao/Instagram
Credit: Marc Nicdao/Instagram
Credit: Marc Nicdao/Instagram
Credit: Marc Nicdao/Instagram

Congratulations Maine at Arjo.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *