Sa GMA Thanksgiving Gala 2022 kagabi ay sorpresang ipinakilala ng aktres at singer na si Julie Ann San Jose ang kanyang rumored boyfriend na si Rayver Cruz sa kanyang ‘Ate’ na si Marian Rivera.

Itinuturing ni Julie Ann bilang kanyang ‘Ate’ sa showbiz ang Kapuso Primetime Queen. Naging malapit silang dalawa sa isa’t isa sa pamamagitan ng variety show na Sunday Pinasaya kung saan pareho silang mainstay host.

Unang nilapitan ni Julie Ann si Marian at sinabing may gusto siyang ipakilala dito.
Nakangiting tugon ni Marian, “Ipakilala bilang Ate.”
“Rayver meet Ate Yanyan.” Sabi ni Julie Ann.
Nag-hi sa isa’t isa sina Rayver at Marian. Sinabi rin ni Marian kay Rayver na alagaang mabuti si Julie Ann.
“Alagaan mo ah! Ipagtatanggol ko yan!” Bilin ni Marian kay Rayver.
Puro positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa nakakakilig na tagpong ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:




