Martial Law movie na ‘Katips’ big winner sa FAMAS awards night

Humakot ng pitong parangal, kabilang ang Best Director, Best Actor para kay Vince Tañada at Best Picture, ang Martial Law film na “Katips” sa ginanap na 70th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards Night na ginanap noong Sabado, Hulyo 30, sa Metropolitan Theater sa Maynila.

Bukod sa mga parangal na ito ay nakuha rin ng “Katips” ang Best Musical Score, Best Original Song, at Best Cinematography. Ang co-star ni Direk Vince na si Johnrey Rivas ang nanalong Best Supporting Actor.

Credit: FAMAS/Facebook

Ang “Katips” ay kuwento ng mga estudyanteng aktibista noong panahon ng Martial Law. Si Direk Vince ang producer, manunulat at direktor ng pelikula.

Nanalo rin ang “Katips” sa World Film Carnival sa Singapore ngayong taon.

Credit: FAMAS/Facebook

Nagkamit naman ng dalawang panalo ang Metro Manila Film Festival 2021 big winner na “Big Night” kung saan nanalo si Janice de Belen bilang Best Supporting Actress at Jun Lana bilang Best Screenplay.

Nanalo ng Best Sound Best Editing ang pinagbibidahang pelikula nina John Arcilla at Dingdong Dantes na “A Hard Day.”

Tinanghal naman na Best Actress si Charo Santos-Concio para sa kanyang pagganap sa dramang “Kun Maupay Man It Panahon.” Nanalo ng Best Visual Effects ang romantikong drama na “My Amanda.”

Credit: FAMAS/Facebook

Nabigyan ng dalawang citation ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, ito ang Ang Pambansang Alagad ng Sining at Susan Roces Celebrity Awardee. Napili naman bilang Exemplary Awardee in Public Service si Sen. Imee Marcos.

Credit: FAMAS/Facebook

Dapat sana ay ipalalabas ang Katips sa Pilipinas noong Hunyo ngunit nagpasya si Direk Vince na ipalabas ito ngayong Agosto 3, sa araw ding iyon na ipapalabas ang pelikula ni Direk Darryl Yap na “Maid in Malacañang.”

Related article:

Share this article
Erie Swan