Tweet ni Kuya Kim tungkol sa Monkeypox, “homophobic“ ayon sa ilang netizens

May post ang Kapuso host na si Kim Atienza tungkol sa interaksyon ng “M to M” na nagkakalat ng monkeypox infection.

Ang unang kaso ng Monkeypox Virus sa Pilipinas ay natukoy batay sa nakaraang ulat ng Department of Health (DOH). Ang pasyente ay isang 31-anyos na Pilipino na nanggaling sa ibang bansa na dumating sa Pilipinas noong Hulyo 19.

Ang monkeypos ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang isang global health emergency.

Sinabi ng CDC na kabilang sa mga sintomas kapag ang isang tao ay nahawahan nito ay ang lagnat, panginginig, pagkahapo, pananakit ng ulo, at panghihina ng kalamnan. Ang pamamaga ng mga lymph node ay isa ring pangunahing katangian nito.

At kamakailan lang ay nagbabahagi ng impormasyon at detalye sa social media si Kuya Kim. Ginagamit niya ang kanyang platform upang magbahagi ng mga mahahalagang kaalaman, mga tip sa buhay, kasalukuyang balita, at kanyang personal na opinyon. Gayunpaman, ang kanyang isang tweet tungkol sa monkeypox ay nagdulot ng ilang pagtutol mula sa mga netizens.

Credit: Kim Atienza/Twitter

Ayon kay Kuya Kim, kung ikukumpara ang kalubhaan ng bulutong-tubig at monkeypo, ang una ay mas mababa. Ipinahayag din niya na ang monkeypox ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pakikipag “s” at partikular na karaniwan itong nangyayari sa M-to-M o male-to-male interaction.

Credit: Kim Atienza/Twitter

Ang ibang netizens ay nagalit sa post na ito at sinabi na isa itong “homophobic” na post. Sa isa sa kanyang mga sumunod na post ay nagbahagi si Kuya Kim ng kontekstong nagpapatunay sa kanyang punto at ipinapakita na wala siyang masamang ibig sabihin.

Sa lahat ng mga negatibong komento na idinulot ng kontrobersyal na post na ito ay taos pusong humingi ng tawad si Kuya Kim sa publiko.

Credit: Kim Atienza/Twitter
Credit: Kim Atienza/Twitter

Humingi siya ng paumanhin sa mga labis na naapektuhan ng kanyang tweet at inamin na ang kanyang post ay malabo at nagdulot ng maraming pinsala lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Marahil ang ilang mga netizens ay nag-react sa ganitong paraan dahil ang kanyang post ay lumilitaw na naka-direkta sa iisang kasarian lamang. Humingi ng paumanhin si Kuya Kim sa kabila ng ilang mga post na ibinahagi niya upang patunayan ang kanyang punto.

Binatikos din si Kuya Kim ng isang netizen at sinabing kailangang burahin niya ang nasabing tweet dahil wala namang sapat na data ang host para patunayan ang kanyang sinasabi. Sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing tweet na ito ni Kuya Kim.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.