Hipon Girl sumagot sa wikang Filipino sa Q & A ng Binibining Pilipinas 2022

Tinupad ng komedyanteng si Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl ang kanyang pangako na magsalita ng Tagalog sa Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Araneta Coliseum kagabi.

Matapos ianunsyo ang Top 12 ay tinanong ng mga host na sina Nicole Cordoves at Catriona Gray ang Top 12 kung paano nila nakikita ang bansa sa susunod na anim na taon.

Sinabi ni Herlene na sisterhood ang natutunan niya sa pageant kaya hiniling niya na magkaisa ang mga Pilipino.

Ayon sa kanya, “Kapatiran o sisterhood, yan ang aking natutunan sa Binibining Pilipinas na tinuro sa amin ni Miss Universe Pia Wurtzbach na kailangan nating magkaisa lalong-lalo na para sa ating bansa. Walang kulay ang makakapagbuklod sa atin kung hindi isang kulay lang ang dapat mamayagpag, yan ang kayumanggi, kulay ng ating lahi.”

Credit: Youtube

Tanong naman kay Herlene sa Top 12 Q & A: “What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”

Kung saan sinagot niya itong nang: “Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap pa lang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay nagbibigay ng inspirasyon because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

Inihayag ni Herlene noong Abril na gagamit siya ng wikang Filipino para sagutin ang mga tanong sa pageant.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Herlene ng screenshot ng isang ulat mula sa ABS-CBN News na nagsasabing hindi siya nahihiya na hindi siya fluent sa English.

Paliwanang niya, “Nabasa ko lang po eto sa isang pageant group. Opo, indi ko po eto ikahihiya naiyak ako dahil sa english. but it doesnt mean hanggang dyan nalang si Hipon girl nyo. Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles. Wikang Filipino po ang gagamitin ko.”

“This will inspire me to pursue my dreams. Hanggat may buhay may pag-asa! magkalat man ako o indi may Hipon mag tatak sa entablado!” Dagdag pa ni Hipon Girl.

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.