Kinuwestiyon ng Marcos supporter na si Juliana Parizvoca Segovia ang pagkapanalo ng musical film na ‘Katips’ sa 70th FAMAS Awards.
Si Juliana ang kauna-unahang ‘Miss Q and A’ grand winner ng It’s Showtime. Itinampok siya sa ‘Lenlen series‘ na nilikha ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap nitong panahon ng kampanya bilang panunukso sa kandidato sa pagkapangulo na si dating Bise Presidente Leni Robredo, na mahigpit na katunggali ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kamakailan ay binatikos at binigyan ng malisya ng komedyante ang resulta ng 70th FAMAS Awards ilang oras matapos itong magpaulan ng awards sa ‘Katips.’
Ang musical drama film na ‘Katips’ ay nanalo ng pitong (7) parangal sa 70th FAMAS Awards na ginanap sa Metropolitan Theater noong Sabado ng gabi, Hulyo 30. Mayroon itong labing pitong (17) nominasyon para sa iba’t ibang kategorya. Ito ay ginawa at idinirek ni Vince Tañada kung saan siya rin ang lead actor sa musical film.
Isinasalaysay ng pelikula ang mga pagsubok at paghihirap ng mga aktibistang estudyante noong panahon ng Martial Law. Kasama sa cast sina Mon Confiado, Jerome Ponce, Johnrey Rivas, Dexter Doria, Nicole Laurel Asensio, Carla Lim, Vean Olmedo, at marami pang iba.
Ilang oras pagkatapos ng awards night ay kinuwestiyon ni Juliana ang panalo ng ‘Katips’ sa pamamagitan ng isang Facebook post. Sa kanyang post ay tila ipinahiwatig ng komedyante na ang pagiging direktor ni Vince sa FAMAS noong nakaraang taon ay may kinalaman sa kanyang pagkapanalo ngayong taon. Tinawag din niyang ‘pa-victim’ ang pelikula.
Ayon sa komedyante, “Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!”
Hindi rin napigilan ng mga netizens ang magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa isyu. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:





Ang “Katips” at “Maid In Malacanang” ay magsasalpukan sa takilya ngayong Agosto 3.
Related articles: