Kakampink nagbenta ng P20/Kilo bigas, BBM supporters ang karamihan sa bumibili

Isang Kakampink ang nagsimulang magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo para matulungan ang kanyang kapwa Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ibinahagi ng YouTube vlogger na “Kakampink 101” ang video ng kanyang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo para makatulong sa mga kapus-palad na Pilipino sa panahon ng krisis.

Nag-viral ang post na ito at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens sa social media.

Sa video, ang vlogger kasama ang kanyang mga kasamahan ay naghahanda ng maraming sako ng bigas, na ibebenta sa murang halaga. Makalipas ang ilang saglit ay maraming tao na ang pumila sa harap ng sasakyan na naglalaman ng ilang sako ng bigas.

Nagsimulang magbenta ng bigas ang vlogger sa abot-kayang halaga at nasa 50 pamilya ang nakinabang dito. Ang mga benepisyaryo ay masayang nag-pose sa camera at nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa Kakampink.

Nagsimulang magbenta ng bigas ang mabait na netizen mula sa Bacolod City dalawang linggo na ang nakakaraan sa paligid ng Taguig at Taytay. Inihayag din nito na karamihan sa mga benepisyaryo ay mga tagasuporta ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa Kakampink vlogger, “Ito ay isang paalala na dapat tulungan ang ating kababayan kahit anong kulay ang kanilang suportado, actually karamihan sa mga benepisyaryo ay mga tagasuporta ni BBM.”

Watch the full video here:

Samantala, narito naman ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizens tungkol sa kagandahang asal ni Kakampink 101:

Credit: Kakampink 101/Youtube
Credit: Kakampink 101/Youtube
Credit: Kakampink 101/Youtube
Credit: Kakampink 101/Youtube
Credit: Kakampink 101/Youtube

Noong panahon ng kampanya ay nangako si BBM na ibababa niya ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo kapag nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo.

Related articles:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *