Tanong ni Joshua Garcia sa Bb. Pilipinas tila patama kay Ella Cruz

Si Joshua Garcia ay isa sa pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon. Hindi lang siya gwapo kundi isa rin siyang de kalibreng artista. Nasubaybayan ng kanyang mga fans ang pag-angat ng career ng binata simula nang mag-umpisa ito sa reality TV show na Pinoy Big Brother.

Noong Hulyo 31 ay nagkaroon ng bagong stint si Joshua. Hindi ito tungkol sa pagpapakita ng kanyang galing sa pag-arte kundi sa pagpapakita ng kanyang kakayahang pumili ng mga magagandang reyna sa Bb. Pilipinas 2022 grand coronation night. Bilang isa sa mga hurado, si Joshua ay naatasang magtanong sa isang kandidata. Ang tanong niya ay para sa 2nd runner-up na si Stacey Daniella Gabriel.

Credit: Twitter

Tanong ni Joshua kay Stacey: “Personally, how do you distinguish a historian from a marites?” Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang tanong ay maririnig ang sigawan ng mga tao sa Araneta Coliseum.

Sagot ni Stacey, “A historian is one who recognizes our painful past with factual evidence. Looking back our rich, vibrant history, and as well as the times that our humanity was trampled on and our heritage was almost erased. If we look at our past, we can surely move onward and upward and rebuild, rise from this pandemic and dream for a safer, healthier and happier Philippines.”

Dahil dito ay naging trending topic sa Twitter si Joshua. Marami ring netizens ang nagsasabi na ito ay “patama” ni Joshua sa ‘Maid in Malacañang’ actress na si Ella Cruz. Kung maaalala ay umani ng batikos mula sa mga historians at ilang netizens ang pahayag ni Ella na “history is like tsismis.”

Ginagampanan ni Ella ang karakter ni Irene Marcos sa pelikula na tungkol sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens tungkol sa nakakaintrigang tanong ni Joshua.

Samantala, isa rin sa mga hurado ay ang Kapamilya actress na si Jane de Leon, ang leading lady ni Joshua sa ABS-CBN fantaserye na Darna.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.